Manny Pacquiao: May Dapat Pa Bang Patunayan Sa Buong Mundo?

[imagebrowser id=377]

MULING NAGPAHAYAG na lalaban muli ang manlalaro na si Manny Pacquiao matapos siyang matalo sa ika-6 na round nila ni Juan Manuel Marquez. Sa klase, wala siyang balak sa pagri-retiro lalo at sinabi niyang “We will rise again!” Marami na ring nagpapayo na kung maaari, magretiro na siya, dahil alam natin na ang isang trabahong boxing ay larong mapanganib sa kalusugan ng malalaro nito.

Eighth Division World Champion ang titulo ni Manny Pacquiao. Dahil sa boxing, naging tanyag ito at kasama niya ang halos lahat ng mga sikat na personalidad at maging ang mga naglalakihang businessman. Siya rin ay kasaluku-

yang congressman, producer ng films at isang TV host. Siyempre, hindi na mawawala rito ang pagiging negosyante at milyonaryo. Lahat ng mga ito ay dahil sa pagiging pamosong boksingero niya. Kahit natalo si Manny sa huli niyang laban kay Marquez, ano pa nga ba ang hinahanap niyang katanyagan at pagkapanalo?

Sa katotoha-nan, napakahirap maging boksingero, tila ang isang paa mo ay laging nakaabang sa hukay. Kung ikukum-para natin siya sa iba niyang mga kabaro, ang iba ay hindi pinalad at naging mahirap ang buhay, may mga naging baldado dahil sa pinsalang tinamo sa paglalaro at ang iba pa, sa kasamaang palad ay binawian ng buhay.

Pinaniniwalaan ko na si Manny ay may ‘calling’ ng Diyos at siya ay ginawang instrumento sa kanyang larangan upang maipakita sa daigdig na ang mga Pilipino ay isa sa magagaling sa sports na ito.

Kapag legacy ang pag-uusapan, sadyang kay Manny lamang nakapaloob ang titulong WBO “fighter of the decade”. Siya lamang ang nakatanggap ng ganitong papuri sa buong mundo.

GAWIN NATING HALIMBAWA SI PABLO

SI PABLO ay dating umuusig sa mga Kristiyano, pinapapatay niya ang mga ito. Subalit, binulag siya ng Panginoon upang kausapin at maglingkod sa kanya. Bilang tugon siya ay nagpakumbaba at kumilala sa Diyos at naging isa sa mga pangunahing tagapaghatid ng mabuting balita.

Ang isip ng tao ay iba sa isip ng Maykapal. Iniisip ni Manny, ang isugal at isulong ang kanyang sarili upang muling lumaban. Sa ikalawa niyang sunod na pagkatalo, marahil ay “warning sign” na ito. Sa aking opinyon, maaaring nais ng Diyos na makilala siya hindi na sa boksing kundi sa larangan ng paglilingkod sa tao. Ang pagiging congressman, ang pagiging mahusay na businessman. Nagpakilala sa kanya ang Diyos sa kanyang passion na boksing at ipinakilala siya nito sa buong mundo hindi upang itaya lagi ang kanyang buhay at kalusugan. Hanapin sana ni Manny ang kanyang sarili sa kanyang puso at isipan, hindi ang sasabihin ng mga tao sa kanyang paligid. Wala na siyang dapat patunayan, tinalo na niya ang pinakamagagaling na boksingero sa mga division na nilahukan niya. Kung tutuusin, hindi na dapat niya nilabanan si Marquez dahil tinalo na niya ito ng dalawang beses. Hindi na niya kailangang humingi ng rematch dito. Siguro oras na rin para pag-isipan ni Pacquaio kung saan talaga siya pupunta, kung sa boxing ba, sa pulitika, sa showbiz, sa pagiging mahusay na businessman o paglilingkod sa Diyos?

Higit sa lahat, hinihintay siya ng sarili niyang pamil-ya, ang maging isa siya ulit na karaniwang tao; ang maging isang normal bilang dating Manny Pacquiao. Sa ngayon, nais niyang bumawi muli. Hanggang kailan niya isusugal ang kanyang katanyagan? Kung naniniwala si Manny na may tawag sa kanya ang Diyos, naniniwala rin akong tinawag din siya para sa kinabukasan ng kanyang sariling pamilya. Upang hindi na niya isugal ang kaniyang sariling buhay. Huwag na sanang dumating sa tinatawag na rise and fall of the champ.

Ito ang larawan sa canvas ni Maestro Orobia.

For comments and suggestions, e-mail: [email protected]; cp #. 09301457621

Larawan sa Canvas

By Maestro Orobia.

Previous articleVice Ganda, humingi ng apology sa nabastos na composer
Next articleBantay Kalusugan

No posts to display