KAYA NAMAN PALA may keber attitude si Krista Ranillo kung iniu-ugnay man sila ni Manny Pacquiao ay dahil she’s enjoying her single blessedness. Wala na pala sila ng kanyang director-boyfriend na si Dominic Zapanta.
Still, Krista cannot discount the fact na somehow ay apektado rin si Jinkee by reports about their alleged liaison.
Pero how true na ang talagang mas close kay Manny ay ang tatay ni Krista na si Matt Ranillo III? Eh, kung hindi ba naman malapit sa isa’t isa ang “two men in Krista’s life ” – pakipaliwanag nga ang limang milyong pisong ibinigay ni Manny kay Matt para sa campaign funds nito sa eleksyon?
In too short a time, ganu’n na lang ang lalim ng Manny-Matt friendship na nagpapatunay rin ng malaking kumpiyansa sa ama ni Krista sa larangan ng pulitika. Aba, sa tulad ni Manny na sasabak din sa larangang ito, malaking halaga ang P5 million, katumbas ng limang beses niyang cash donations para sa mga nabiktima pa lang ng Ondoy!
Is Matt five times greater than a typhoon? Paging PAGASA, puwede n’yong ipangalan ang bagyo kay Matt with an international name na “Archie” na siyang palayaw niya!
HARINAWA’Y UMIRAL ANG “divine intervention” sa hearing kung saan ina-antabayanan ni Robin Padilla ang magiging desisyon ng DepEd sa ipinatayo niyang paaralan that caters to children of whatever religion.
December 9 kasi ang pagdinig, isang araw makaraan ang pagseselebra sa Immaculate Concepcion.
Ito ‘yung eskuwelahan na bahagi ng Liwanag Foundation ni Robin, kung saan bukas ito sa mga maga-aral na Kristiyano at Muslim. Layunin ni Robin na sa kanyang munting kontribusyon ay mapanaig niya ang kapayapaan sa level man lang ng edukasyon.
Nanghihinayang kasi si Robin na ‘yung mga incoming Grade II pupils ay masasayangan din ng kanilang natapos sa kindergarten level kung hindi ito ire-recognize ng DepEd.
Kung ang mga mamamayan ang tatanungin, ilang beses nang nakaka-bad trip ang ahensiyang ito ng gobyerno: from allowing the circulation of English textbooks with glaring grammatical lapses to issuing late announcements na walang pasok ‘pag bumabagyo!
IKINATWIRAN NA LANG ng isang aktor ang pagiging magalang ng manliligaw ng kanyang anak, pero feeling ko, hindi lang madiretso ng ama na alaga ng isang gay celebrity ang boylet.
Takot lang naman ng binata na paglaruan ang magandang dalaga ng aktor, tiyak na meron itong kalalagyan. Hindi nga lang maamin ng aktor sa kanyang sarili na baka may karma ang mga naging kalokohan niya sa mga babae, huwag naman sanang pambayad-utang ang kanyang dalaga.
Pero huwag din naman sanang kutyain ng aktor kung nababalita mang may nakaraan sa bading ang boylet na suitor ng kanyang anak, that is, kung meron man.
Baka kasi buweltahan siya ng binata ng “L.W.T!” Gets n’yo ang ibig sabihin?
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III