OLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka!
Nakakaloka naman talaga ang bali-balita ngayon na wala nang fans si Manny Pacquiao dahil nga hindi na ito namamahagi ng datung. Marami rin talagang negative ngayon na lumalabas kay Manny simula noong natalo ito sa kanyang dalawang hu-ling laban at simula nu’ng nagpalit ito ng relihiyon.
Marami ang mga haka-haka ngayon na bakit kaya hindi na mas-yado namamahagi ng datung si Manny. Dahil ba sa mawawalan na ito ng career kaya tipid-tipid muna? Or meron din na ibubuhos na lang niya ang mga ito sa Gen San dahil mag-eeleksyon na? At take note dalawa kasi sila ng misis niyang tatakbo ngayon, kaya magpapalakas na lang muna siya sa Gen San.
Pero nakakaloka rin ang mga fans, ‘no? Pera-pera talaga ang pagka-idol kay Manny at hindi sa pagkagaling mag-boxing. Nakakaloka naman if money talks talaga everbody listen.
Nabalita nga ito nu’ng nakaraan, dahil nagpaalam na rin ito sa kanyang show sa GMA 7 na Manny Many Prizes, at talagang magpo-focus muna ito sa kanyang pagkandidato. Hindi talaga kinakaya ng powers ko, ‘te! Hahaha! Nakakaloka!
Pero kahit ano pang sabihin nila, sa nakikita ko, kahit pa yata sa kaapu-apuhan ni Manny ay matitikman pa rin ang kayamanan nito. Hindi na ito maghihirap sa dami ng na-invest niya, ‘di ba? Kaloka to the highest level, ‘te!!!
BLIND ITEM: Sino siya? Sino naman kaya itong sexy starlet na talaga namang nagmamagaling nang bonggang-bongga na akala niya siguro na porke’t nasa pulitika na ito ay talaga namang ubod na siya ng talino?
Eh, ‘te… kahit anong gawin niya ay mapapansin pa rin ang kabobohan niya, at take note mukhang may balak ulit mag-aral. Naku, ‘te, mas maganda nga para naman hindi trying hard ang da-ting mo. Hinding-hindi talaga kinakaya ng mga kababayan mo. Hahaha!
TEKA, ILANG tulog na lang, premiere na ng I Luv U Pare Ko, sa Feb. 5 na. Pinagbibidahan ito nina Rocco Nacino at Rodjun Cruz. Siyempre kasama po ako at ang kaibigan kong sina Arnell Ignacio at Xixi Maturan. Lahat kami rito, mga kaluluwang bading.
Ito ang isa sa pelikulang hindi ko makakalimutan. Kasi, talagang mula sa umpisa hanggang matapos ang pelikula ay puro katatawanan. Hindi ko mahahalata na ito ay gay movie, kasi may lesson ang pelikula at ito ang masasabing tunay na sisteraka. Kasi lahat kami rito, mga badingerze.
Ito po ay dinirek ng kaibigang kong si Neil Buboy Tan at produce po ito ng guwapo at simpatikong si Riqui Cardenia ng Krix films. Showing na po ito sa Feb. 6 sa SM cinemas. Go, go na!
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding