SI MANNY PACQUIAO pala ang tinanghal na Newsmaker of the Year ng Star Awards For Movies, ‘no? Eh, ‘di si Hayden Kho next year na, gano’n ba ‘yon?
“Ay, no, Ogs,” sey ni Ms. F, ang aming co-host sa Wow! Ang Showbiiiz! sa dwiz 882 sa inyong AM station at member din ng PMPC. “Dapat, positive ‘yung balita, hindi negative, so hindi siya winner du’n!”
Ah, okay. So feeling namin, it’s the wedding of the year nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos ang winner na niyan next year, ‘di ba? Positive ‘yon, ‘di ba?
But what about ‘yung mga nagsisipagbuntis na artista?
Positive ‘yon sa pregnancy test, ‘di ba?
Eh, ‘yung mga natsitsismis na may sexually transmitted disease?
Lalo na ‘yung HIV “positive?”
Hahaha! Jowk!
Rayver fans spam ABSCBN exec inbox
‘ETO, HA? SABIHIN lang namin. Wala namang problema ‘yung mag-send ang mga fans and supporters ng kanilang e-mail sa amin, eh. You’re always welcome.
I-push n’yo pang iparating namin sa ABS-CBN na bigyan pa ng more projects si Rayver Cruz whether with Sarah Geronimo, Shaina Magdayao o Maja Salvador, okay lang din.
Anak-anakan namin ‘yang si Rayver, ‘no! Kasama namin ‘yan sa May Bukas Pa, ‘di ba? Pero sa mga fans ni Rayver, baka naman puwedeng once n’yo lang i-send ang e-mail n’yo sa amin at sa iba pang concerned people na pinadadalhan n’yo?
Baka lalong mairita sa inyo ang mga pinadadalhan n’yo, kasi, halos ‘yung first page ng inbox namin, eh, punuin n’yo na ng pare-pareho lang naman na message. Siguro naman, wala kayong planong “lamunin” ang inbox namin ng kataku-takot na e-mail lang na galing sa iisang tao, ‘di ba?
‘Pag ganyan nang ganyan ang attitude n’yo, baka mabuwisit pa sa inyo ang mga executives ng ABS-CBN at dedmahin ang request n’yo, hindi n’yo naman siguro gusto ‘yon, ‘di ba?
Saka isa pang lumalamon ng first page ng inbox namin ay ang tungkol naman sa request na more “EchoMen” project as in Jericho Rosales at Carmen Soo. Utang na loob, isa pa ‘tong iisang tao, pero pare-pareho naman ang nilalaman ng message kumbakit kailangang i-forward nang i-forward.
Medyo makulit na. Pero at the end of the day, gusto na lang naming intindihing ganu’n lang talaga nila kamahal ang kanilang idolo, kaya rin sila nag-e-effort na iparating hanggang sa langit ang kanilang pag-iidolo sa mga artistang nabanggit.
Pero ‘wag sobra, dahil lahat ng sobra ay nakasasama.
Me gano’n?
Oh My G!
by Ogie Diaz