HALA! HINAHANAP DAW ngayon ng grupo ni Manny Pacquiao ang producer ng pelikulang Banal na si Ina Alegre. Siya rin kasi ang publisher ng isang magazine na lumalabas once every three months.
Ganito raw kasi ang kuwento. Nakiusap daw nang todo si Ina kay Pacman na kung puwedeng suportahan ang kanyang magazine financially kapalit nang pag-cover sa Pambansang Kamao. May ilan din daw silang pinag-usapan na dapat, e, isinama sa istorya sa inside pages.
Nu’ng December pa raw ito dapat lumabas pero hindi raw makita ni Pacman at ng kanyang mga kaibigan ang magazine. Hinalughog na raw nila ang lahat ng book store sa Maynila pero wala silang makita.
Hindi naman daw nanghihinayang si Pacman sa perang kanyang inilabas pero hindi lang daw nila akalain na “masi-sweet talk” sila ni Ina nang ganu’n-ganu’n lang.
“Tatakbo pa naman siya on a government position sa Mindoro tapos, parang niloko pa kami,” sabi pa ng isang kagrupo ni Pacman sa Team Pacquiao. Kasi naman…
MARAMI RAW ANG napa-weeeh sa live audience ng SOP last Sunday nang ipinakilala ni Janno Gibbs si Rhian Ramos bilang Superstar Rhian.
Teka, superstar? Hindi ba’t si Nora Aunor lang ang nag-iisang Superstar ng Pinas? Ngayon, e, idineklara na ni Janno na superstar na rin si Rhian? Hmmmm… parang ayaw ‘yata naming mag-agree.
Op kors naman, Janno. Bago maging superstar ang isang taartits, kailangan, e, may napatunayan na siya sa box-office record, sa acting awards, sa popularity at sa kung anik-anik na factors to be considered, hendehvah mga Noranians?
Isa pa, sana naman, e, ibahin na lang nila ang monicker kay Rhian dahil ang superstar crown, e, nakahinang na sa ulo ni Ate Guy, kahit na matagal na siyang wala sa ‘Pinas, whatdyathink, Kuya Germs? Agree ka, ‘di ba?
ISA SA MGA dahilan kung bakit kumita ang pelikulang Ang Panday at naging number one sa takilya ngayong panahon ng MMFF, e, dahil sa computer effects nito na ang may kagagawan, e, si Direk Rico Gutiererz.
E, bakit naman itong si Direk Mac Alejandre, e, inaaway-away pa si Direk Rico? Ang nakarating sa aming balita, sobrang na-insecure daw kasi si Direk Mac kay Direk Rico dahil binigyan siya ng freehand ni Bong Revilla na paglaruan ang computer effects ng pelikula.
Nawalan daw kasi ng sey si Direk Mac sa mga computer generated effects nito na pinamahalaan ni Direk Rico. At up to now, e, hindi pa rin daw maka-get over si Direk Mac. Masama pa rin daw ang kanyang loob kay Direk Rico.
Kung totoo man ang inggitan isyu na ‘yon, e, si Bong dapat ang sisihin ni Direk Mac dahil siya ang nagbigay ng responsibilidad kay Direk Rico pagdating sa computer effects. Siguro, hindi lang magawa ni Direk Mac na magalit kay Bong dahil ‘yon ang kanyang boss kaya ang pinagdiskitahan niya, e, si Direk Rico.
Matagal na naming kilala si Direk Rico dahil panahon pa ng S Files sa GMA-7, e, nakasama na namin siya at noon pa man ay alam na naming magaling siya sa mga futuristic effects sa screen dahil ang pagkakilala namin sa kanya, e, isa siyang visionary.
Kumita na ang pelikula at nagwagi na ito ng maraming awards kaya dapat makapag-move on na si Direk Mac.
Never kaming na-invite sa press con ng Ang Panday at matagal na rin kaming hindi nagkikita ni Direk Rico pero sa usaping ito, e, kakampi kami ni Corics… pwamis!
Sour-MINT
by Joey Sarmiento