Manny Pacquiao, pinagmukhang ‘Koreano’ ang Mexicanong si Antonio Margarito!

PANALO SI MANNY Pacquiao. Pangwalo na niya itong laban niya sa Mexican-American na si Antonio Margarito.

Pagkatapos ng boksing, feeling ng mga nakapanood, hindi nagsasabi ng totoong nationality si Antonio, dahil sa kanyang hitsura.

Mexican-American ba siya talaga o Japanese-Chinese-Korean?

SINUSULAT ITO AY nawalan ng malay si Aling Dionesia. Sobrang dinibdib ng ina ni Manny Pacquiao ang pagdarasal na muli ay hindi naman siya binigo ng Panginoon.

Kaso, ang tagal bago magising. Gusto pa namang marinig ng mga tao ang mga salitang: “Sa lahat ng nag-pri sa anak ko na manalu sa buksing, tingk yu biri mats!”

SA TUWING NAGWAWAGI si Manny Pacquiao, sa loob pa lang ng ring, iniinterbyu na siya ng Kanong reporter. At in fairness, mahusay nang mag-Ingles si Manny, huh!

Ang hindi lang talaga namin kinaya ay ‘yung nasa likod niya. Sa lahat ng laban ni Manny, hindi nawawala at kitang-kita talaga sa kamera si Jake Joson.

Na ang sabi nga nila, kung si Manny Pacman Pacquiao ang “Pambansang Kamao,” si Jake naman ang “Pambansang Anino.”

ININTERBYU RIN SI Antonio Margarito ng Kanong emcee kung ano ang masasabi sa fight nila ni Manny. Mexicano ang salita ni Margarito.

Feeling namin, hindi talaga pang-boxing si Margarito. Pang-Ms. Universe Pageant siya.

May interpreter kasi.

SUPER DELAYED TELECAST sa GMA-7 ang labanang Pacquiao at Margarito. Tapos na ang laban, paumpisa pa lang sa GMA-7. Isang oras yata ang delayed.

Hindi na namin pinanood pa sa GMA-7 ang laban. Baka kasi manalo roon si Margarito.

PANALO NAMAN SI Manny Pacquiao, sana, kahit sa Saranggani Province siya congressman, baka puwede namang sagutin, tustusan at patayuan ng shelter ang mga batang may cancer sa Childhaus.

Sige na, please. Iparating n’yo ‘yan kay Manny. Balatuhan naman niya ang mga batang may cancer sa kanyang net take home prize na $50 million (puwera pa ang pay per view). Gawin niya itong pasasalamat kay Lord.

JUICE KO, KUNG alam lang namin ang mga numerong lalabas sa lotto, tinayaan na namin at sinagot na namin ang mga batang may cancer sa Childhaus para bigyan sila ng mga bagong facilities at shelter.

‘Yan ay kung matutupad ang ilusyon naming tumama sa lotto, ha?

Sa lotto 55, parang mas malaki ang chance na masagasaan ang pumipila sa lotto outlet kesa ang tumama ng jackpot, eh!

‘Wag n’yo kami sa kanto sundan. Sa Twitter na lang. Log on lang kayo sa www.twitter.com at sundan n’yo na kami sa @ogiediaz.

Ugaliing makinig din sa aming radio program sa www.dwiz882.com, 11-12nn at maririnig din sa 882 sa inyong AM radio.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleMariel Rodriguez, pinigilan ng Dos na sumasama kay Willie Revillame?!
Next articlePinoy Parazzi Vol. III Issue #190 November 15-16, 2010

No posts to display