Nagbubunyi ang sambayanang Pilipino sa pagkakapanalo ni Manny Pacquiao sa kanyang laban sa Puerto Rican fighter na si Miguel Cotto sa MGM Grand’s Garden Arena in Las Vegas, Nevada.
Tila tumigil sa pag-ikot ang mundo habang ang lahat ay nakatutok sa kanilang TV at nanonood sa makapigil-hiningang laban ng dalawang kampeon. Parang may kung anong magic si Manny dahil kapag may laban siya ay tigil-pasada ang mga drivers, tahimik ang kalye, walang trapik at krimen. Mapa-bahay man hanggang sa Araneta Coliseum, gym, stadium, malls at restaurants ay iisa lang ang pinanonood ng mga Pinoy. At hindi rin siyempre nagpapahuli ang ating mga kababayan maging sa ibang bansa gaya ng Singapore, London at Dubai.
Ang boxing ay survival of the fittest – subukan ng lakas, talas ng isip at matira ang matibay. Pero sa bandang huli ay hindi kinayang tapatan ni Cotto ang bilis at lakas ni Manny. Pacman’s speed “kills.” Manny unleashed his ferocious punches that floored Cotto in the 3rd and 4th rounds and finally stopped him in the 12th round via TKO. The judges’ scorecards were in favor of Manny and the only way for Cotto to win was to knock-out Manny na hindi nangyari. But Cotto is a true fighter who didn’t surrender until the end.
Kabilang na si Cotto sa mga napatumba ni Manny tulad nina Ricky Hatton, Oscar dela Hoya, David Diaz, Juan Manuel Marquez, Marco Antonio Barrera, Jorge Solis at Erik Morales. Pagpapatunay lamang ito na si Pacman ang nag-iisang Pound-for-Pound King, ang Pambansang Kamao at ang People’s Champ ng Pilipinas.
Gumuhit siya ng kasaysayan bilang kauna-unahang boksingerong nakakuha ng pitong boxing titles sa pitong weight divisions: welterweight, light welterweight, lightweight, super featherweight, featherweight, super bantamweight at flyweight. Inuwi rin ni Manny ang WBC Diamond belt.
Mommy Dionesia was in Las Vegas to support Manny. Ito ang pangalawang pagkakataon na pumunta siya ng Amerika sa laban si Manny. Pero hindi siya nanood sa MGM dahil mas pinili niyang ipagdasal ang kaligtasan ng kanyang anak. Malakas talaga si Mommy Dionesia sa Diyos. Ang hiling lang niya ay sana tumigil na si Manny sa pagbo-boxing.
So where does Manny go from here? Pakinggan kaya niya ang kahilingan ni Mommy Dionesia o ipagpapatuloy pa rin niya ang kanyang boxing career – and maybe a fight with Floyd Mayweather Jr.? Pero ang sure ay may Wapakman na entry si Manny sa MMFF ngayong Disyembre.
Ang tagumpay ni Manny ay tagumpay nating lahat. Mabuhay ka, Manny!
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda