GENTLEMANLINESS GETS the better of Derek Ramsay in spite of it all.
To this day, bigo ang persistent press what exactly went wrong sa kanilang relasyon ni Angelica Pa-nganiban, much less the details of their breakup. Derek— for all his chivalry — has repeatedly refused to say what caused their separation.
In fact, todo-pagtatanggol pa nga ang ginagawa ng hunk actor by saying there was no third party involved, even if some quarters insist na si John Lloyd Cruz ang dahilan ng kani-lang paghihiwalay.
Known to many, sina Angelica at John Lloyd na ngayon. Surprisingly, Derek is even happy for both of them. Hypocrisy set aside, nasabi pa ni Derek na walang problema kahit makatrabaho pa niya ang kanyang ex-girlfriend with the latter’s current flame.
Sa totoo lang, it takes a certain amount of guts and acceptance para masagot ni Derek kahit hypothetical question lang ito. Showbizzy as it may sound, this guy knows prudence more than sincerity.
Having earned public admiration, hindi na kami magtataka kung aabangan ng viewers ang Amazing Race which Derek will host soon on TV5. Undeniably, being at the helm of this reality show about grit and greatness is right up Derek’s alley.
Idagdag pa rito ang TV version ng pelikulang Totoy Bato now in the works with Derek in the title role.
Fusing both projects together, expect that Totoy will prove himself amazing in a stony race.
ANUMANG ULAM na paulit-ulit na nasa hapag-kainan ay nakakaumay rin.
Sa ganitong analogy namin nais ihalintulad ang gasgas nang linya ni Manny Pacquiao — in his every fight — na karangalan ang layunin niyang ihatid sa bansa. Common sense, you only bring honor to your country if you triumph, pero kapag sinapian ka ni “Luz Valdez”, what honor are you talking about?
Nasilat sa kanyang pinakahuling laban si Pacman against Timothy Bradley despite the Pinoys’ fury and furor na siya dapat ang idineklarang panalo. Technically — and let’s face it — the “honourable factor” na naiuwi ng Pambansang Kamao ay ang kanyang maluwag na pagtanggap sa naging desisyon ng tatlong hurado even in the eyes of the Filipino nation, he should emerge as winner.
Sa ikaapat nilang sagupaan ni Juan Manuel Marquez, consistent pa rin si Manny. Tulad ng kalbo nang gulong ng sasakyan, gastado na rin ang kanyang rubber-like tire of pronouncements that he’s entering his next fight to bring honor to the nation.
Himay-himayin man ang exterior at interior ng gulong ng kotse, Manny knows well enough na sa larangan ng boksing ay wala na dapat pang patunayan. Walong sunod ang mga titulong kanyang nakopo sa basagan ng mukha, making him the greatest as well as the richest boxer of all time.
So, what honor is he talking about? Kung monetary factor din lang ang kanyang habol, how much money ba does he still need to amass before he decides to retire from boxing?
Given his net worth, kahit sampung beses pang mabuhay si Manny sa mundong ito ay ga-kulangot lang marahil ang mababawas sa lahat ng kanyang mga naipundar, both in terms of money and properties. Baka mauna pa nga ang sinasabing end of the world, but Manny’s wealth will remain endless.
Gusto naming isipin that boxing is like gaming at the casino. A wise gamer knows when to stop betting when the odds are against him. Ang mga “sakim” sa sugal never stop, and before they realize, nasunog na ang kanilang puhunan ay nagkandautang-utang pa sila sa mga casino financier who charge daily on loan interest.
By a thin line, walang inilayo rito si Pacman who seems to push his luck too far. Honor, ‘ika nga niya, ang nais niyang ihandog sa bansa?
Ayaw ni Nora Aunor ng ganyan.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III