TAPOS NA ang kasiyahan. Tapos na ang boxing. Nakabalik na si Manny Paquiao na ang inaasahan na panalo laban kay Floyd Mayweather ay nauwi sa isang pagkatalo. Yabang naman kasi nila. Puro blah-blah na nang matalo, hayun, kung anu-anong dahilan.
Siguro naman, tama na. Mag-concentrate na si Manny sa napabayaang trabaho niya sa kanyang mga constituents sa GenSan bilang isang Kongresista.
Kuwento ng isang taga-loob, as expected ay always absent si Paquiao. Kung anu-ano naman kasi ang pinagkakaabalahan.
Mula sa boxing, pumasok sa politikang “pulpul” at ngayon nga ay pati pagbuo ng basketball team, ayaw paawat ni Paquiao.
Kung ako kay Manny, tigilan na ang iba’t ibang dahilan at alibi ng pagkatalo niya. Inuunggoy lang niya ang Pilipino at ang mga kapanalig niya. Talo man o panalo sa laban nila ni Mayweather, kung ilang bilyon na naman ang naiuwi niya na pandagdag sa kaban niya.
I just hope sa darating na May 2016 election ay hindi niya maisipan na tumakbo for a Senate seat. Super ilusyunado na kung magtangka siya to be a Vice President o ‘di kaya’y mapapalunok ka kung trip niya maging Presidente ng Luzon, Visayas at Mindanao.
Diyos ko po! Ano ang mangyayarii sa bansa natin kung si Manny ay mag-decide na tumakbo as a Senator at manalo? Kawawa tayo. Mabuti na lang, hindi ako nakatira sa GenSan at hindi niya ako constituent.
Sa katunayan, ang latest tsika kay Manny, plano na rin niyang bumuo ng isang basketball team na isasali niya sa NBA (yes, hindi lang siya pang-boxing kundi pang basketball na rin) kaya naghahanap na siya ng mga players na magagaling at matatangkad sa bansang China.
Sa mga hindi pa nakakaalam, bukod sa singing at acting niya na nightmare naman para sa atin, tuloy pa rin si Pacman sa paghangad na matupad ang kanyang mga “dreams”.
Ang daming problema ang Pilipinas. Nand’yan ang pang-aaagaw ng Tsina sa ilang mga isla natin sa West Philippine Sea (ewan kung bakit pinabayaan ng pamahalaan natin ang pagkawala ng Sabah, na naaalala ko nu’ng elementary ako ay sakop natin ito), ang nakabitin na isyu ng SAF 44, ang Bangsamoro Basic Law (BBL), at ang nalalapit na eleksyon sa May 2016.
Sige nga, pasagot natin ito kay Manny na nangangarap pala na sumali sa karera sa pagka-senador na kahit ngayon pa man bilang kongresista as always palaging absent si Kongresista.
Reyted K
By RK VillaCorta