Manny Pacquiao, wala nang dapat pang patunayan!

WAGI NA NAMAN si Manny Pacquiao. Pero sa totoo lang, hindi na kami nasa-shock ‘pag nagwawagi si Manny. I mean, sa dami ng panalo ni Manny, parang ang hirap-hirap na niyang talunin.

‘Eto ngang fight niya ke Joshua Clottey, hindi na namin pinanood, eh. Kasi, feeling namin, siya na naman ang wagi. Parang hindi na exciting. Siguro nga, ang mas shocking pa eh, kung matatalo si Pacquiao.

Tingnan n’yo, 12 rounds, parang sira lang ‘tong si Clottey. Hindi man lang nakipagbakbakan nang todo kay Manny. Ultimo si Manny, hindi siya satisfied sa laban, eh.

‘Yan lang ang reaksiyon ng isang tipikal na Pinoy na sanay na sanay nang may natutumba sa laban ni Manny. Kahit nga si Manny na ang tinumba por eksampol, exciting pa rin, eh. Kaso, wala.

Pero siyempre, at the end of the day, kahit hindi pa tayo ang personal na lumaban, kahit na nakinood lang tayo, nakisigaw, nakimura, taas-noo at nakangiti pa rin ang mga Pinoy, dahil gumuhit na naman ng kasaysayan ang ating mahal na Pilipinas.

PERO KUNG KAMI ang tatanungin? ‘Wag na, stop na sana ang paglaban ni Manny. Baka sa kakalaban niya, eh, matalo pa siya, ‘no! Baka mabalewala ‘yung walo niyang panalo at ‘yung isa niyang talo ang mas matandaan ng mga tao.

Tama na ‘yong ang dami mo nang beses pinatunayan ang pagbabandera mo sa Pilipinas. Tama na, history na ‘yan, eh.  ‘Pag ikinatalo pa niya ang future fight niya, baka siya pa ang sisihin ng ibang Pinoy.

Saka it’s about time na alagaan na ni Manny ang mukha niya. ‘Wag niya nang ipabasag. Juice ko, aanhin mo ang yaman mo, kung basag naman ang mukha mo, ‘di ba?

Saka ‘yung tingin ni Manny, nag-iiba na. Baka ikaduling na niya ‘yan, hindi na maganda.

Kaya kami mismo, honestly, makikiusap na ke Manny na tama na. Okay na ‘yan. nasa Philippine History ka na at wala ka nang dapat pang patunayan sa sarili mo at sa mga kapwa Pinoy mo.

NAKATUTUWA. KASI, KAHIT na kami’y tumatakbo ngayong Konsehal sa 3rd District ng Quezon City, meron pa rin kaming mga offers na tinatanggap. Lalo na ‘yung sa isang TV station na gustong bumongga nang bonggang-bongga.

Lumitaw ang pangalan namin sa kanilang brainstorming at ‘yun nga, gusto nilang magkaroon din ng morning show na katapat ng dati naming show, ang Umagang Kay Ganda.

Gusto nila, ‘yung tipong ganu’n din ang style ng pagbabalita. At wala namang problema. Idea naman namin ‘yon, eh.  Kaso nga lang, ibang larangan na ang gusto naming tahakin.

Na ‘yun mismong tulong na ang ibibigay namin sa mga tao. Ang dami naming proyekto para sa District 3, kaya kung papalarin, eh, ‘di concentrate muna sa Konseho at limited na lang ang TV show.

Juice ko, eh, kung hindi ba kami magwi-win, alam namin, meron pa kaming babalikan, ‘di ba? Ang importante, marami pa ring naniniwala sa ‘yo bilang isang TV host.

Kaya thank you, thank you sa mga naniniwala pa rin sa amin hanggang ngayon.

‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Ms. F., Rommel Placente at Eric Borromeo.

Oh My G!
by Ogie Diaz

Previous articleKarylle, nililigawan na ni Christian Bautista?!
Next articleKris Aquino, binabalikan ang pagiging taklesa!

No posts to display