Professional boxing record: 52 Wins (38 knockouts, 14decisions), 3 Losses (2 by knockout, 1 by decision), 2 Draws
Pilipino ang lahi ko! Ito ang ipinagmamalaki ng isang Manny Pacquiao. Mula sa simpleng pamumuhay sa General Santos City, isa na sa kinikilalang personalidad si Pacquiao ‘di lang sa buong Pilipinas, kundi maging sa buong mundo.
Hirap man sa pagpapaaral ang kanyang pamilya, ‘di pa rin naging hadlang kay Manny na maabot ang kanyang mga pangarap. Lumuwas si Manny sa Maynila sa edad na 14. At ipinagpatuloy ang kanyang buhay, ang pagiging boksingero. Noong 1995 sa palabas na Blow by Blow, nakitaan ng potential at nakilala ang kanyang pangalan. Dito nahubog ang isang atleta na ngayon ay isa nang kampeon.
Ilan lang sa pinag-uusapang World Titles ang nakuha ng tinaguriang “Fighter of the Decade” ng Boxing Writers Association of America (BWAA). Si Manny Pacquiao ay eight-division world champion at ang kauna-unahang boksingero sa history na nakakuha ng 10 world titles in eight different weight divisions. Ito ay ang WBC Flyweight World Champion (112 lbs), IBF Junior Featherweight World Champion (122 lbs), The Ring Featherweight World Champion (126 lbs), WBC Super Featherweight World Champion (130 lbs), The Ring Junior Lightweight World Champion (130 lbs), WBC Lightweight World Champion (135 lbs), The Ring Junior Welterweight World Champion (140 lbs), WBO Welterweight World Champion
(147 lbs), at IBO Junior Welterweight World Champion (140 lbs).
Sa pagtatapos ng isang dekada, muli na naman tayong binigyan ng karangalan ni Pacman sa kanyang laban kay Antonio Margarito at nakuha ang WBC Super Welterweight World Champion (154 lbs). Kasama sa mga karangalang ibinigay ni Pacman sa mga Pilipino ang mga ‘di malilimutang laban ng tinaguriang “The Mexican Executor”. Ilan sa kanyang mga nakalaban ay ang mga Mexican boxers na sina Juan Manuel Márquez, Marco Antonio Barrera, Jorge Solís, Érik Morales at Óscar Larios. At ang matagumpay pang laban ni Manny kina Joshua Clottey, Miguel Ángel Cotto, Ricky Hatton, David Díaz at Oscar De La Hoya. Kasama ni Manny sa kanyang panalo ang kanyang trainer na si Freddie Roach at ang Team Pacquiao.
Ngayon taon din nagsimula ang isa pang career ni Manny, ang isang kongresista. Si Manny ang tumatayong congressman ng Sarangani. Pinasok niya ang pulitika dahil na rin sa kagustuhang makatulong sa kanyang kapwa. Kahit marami nang naipagawang bahay si Manny, sa Sarangani niya napiling manirahan kasama ang kanyang asawa na si Jinkee at mga anak na sina
Jimuel, Michael, Princess at Queen Elizabeth. Hindi lang sports at pulitika ang napasok ni Manny. Isama na natin ang endorsements, commercials, guestings, showbizness at maging ang pagnenegosyo. Siyempre ‘di rin mawawala ang intriga sa kanyang buhay. Na sa huli naman ay nagiging matatag, lalo ang kanyang pamilya. Maging ang kanyang pamilya, napasok din ang mundo ng showbiz, lalo na ang kanyang ina na si Aling Dionesia… Este Mommy Dionesia na! Naturingan na rin namang Fighter of the Decade ngayong taong 2000 si Manny, puwede ba natin siyang gawan ng P2,000 bill? Tapos kulay kayumanggi ‘yung papel, may mukha niya. ‘Di ba? Show me da Money!
Sa bawat laban ni Manny, pansamantalang tumatahimik ang buong bansa sa mga kaguluhan at iba’t ibang krimen. Sa kanyang pag-uwi, lagi niyang bitbit ang karangalan ng bawat Pilipino. Marami sa atin ang dapat maging isang Manny Pacquiao sa ating mga pangarap sa buhay. Tunay ngang isang huwarang ehemplo at modelo ng bawat Pinoy si Manny – maka-Diyos at makabayan.
Mula sa Pinoy Parazzi, Mabuhay ang nagiisang Pound for Pound Boxer! Mabuhay ka Manny Pacquiao! Isang bayaning Pilipino.