Two nights and three days kami sa General Santos City nu’ng Friday. Nagkaroon kami ng mall show, kaya sinamantala na namin ang pagkakataon. Nagtungo kami sa house nina Manny Pacquiao.
Hindi kami marunong mag-describe ng mga detalye ng style ng house, pero in fairness, maganda ang house nina Manny, huh! Nag-dinner din kami, si Jinkee ang nag-asikaso.
Wala kasi si Manny that time, nanonood ng basketball somewhere kasama ang kanyang mga anak. Bongga ang catering nu’ng gabi. Hindi tuloy kami nakapag-almusal, dahil nalalasahan pa namin ang kinain nu’ng gabi.
Actually, after the dinner, go na kami ng KCC Mall Gensan, hanggang sa nag-text ang sekretarya ni Manny na nandu’n na raw ang Pambansang Kamao, kung type pa raw ba naming magpunta.
Aba, oo naman, ‘no! Lalo na’t madalas naming nakikita si Manny na puro mikropono at kamera ang nasa harap. Pagdating namin doon, pinatuloy kami sa opisina ni Manny. “Sandali lang, ha? Ang dami ko lang pinipirmahan.”
Hindi na namin itinanong pa kung ano ‘yung pinipirmahan ni Manny, baka sabihin, napakatsismoso pa namin. ‘Andu’n lang kami para magpa-picture kasama ang friend namin.
After the pirmahan blues sa mga papeles, eh, nagdayalog si Manny ng, “Sandali lang, ha? Kakain lang ako. Ngayon lang ako magdi-dinner, kasi, marami akong inasikaso.
“Kain na kayo, halika!” Du’n pa lang sa pag-imbita ni Manny ay masasalamin mo ang isang ugali ng tipikal na Pinoy. Na kahit sinabi na naming ‘yung kinakain niya ang siya ring hapunan namin kanina sa house nila, eh, pinipilit pa ring kumain. Pinoy na Pinoy.
“MANNY, TULOY NA tuloy na ang takbo mo?”
“Oo naman. Congressman ng Saranggani.”
Ba’t hindi sa GenSan?
“Kasi, ‘yung mayor dito, tatakbong Congressman, eh. Actually, seven municipalities meron ang Saranggani Province. ‘Yung isang town lang doon, 86,000 hectares na, mas malaki pa rito sa GenSan, kaya maimadyin mo kung gaano kalaki ‘yong iikutin ko.”
I’m sure, ang daming dumi-discourage sa kanya na tumakbo?
“Oo, marami. Hanggang ngayon nga. Actually, itong pulitika, wala ring ipinagkaiba sa boxing, eh. Nu’ng araw, ang dami ring dumi-discourage sa akin sa boxing.
“Kesyo wala naman daw mangyayari sa pagiging boksingero ko. Hindi naman daw ako marunong sumuntok. Mabubugbog lang ang mukha ko, hindi pa ako yayaman.
“‘Yung mga salitang ‘yon, naging inspirasyon ko ‘yon para pag-igihan ko ang boxing. Kaya rito sa pulitika, siyempre, papasukin ko ‘to, kaya pinag-aaralan ko na.
“Maraming dumi-discourage, pero hindi ako nawawalan ng loob. Ito ang misyon ko sa buhay, eh. Ang tumulong sa kapwa. ‘Yung pera ng taumbayan, mapapasakanila, hindi ko ibubulsa, kasi, me sarili akong pera!”
I’m sure, ang laki ng natutunan niya sa huling eleksiyon kung saan natalo siya?
“Oo naman. ‘Yung ginastos ko du’n, itinuturing ko na lang na tuition fee para lang ako matuto!”
OO NGA PALA, si Aling Dionesia ay hindi namin nakita sa dalawang gabi naming stay roon sa GenSan, dahil ayon kay Jinkee, “Naospital si Nanay. Sobrang stress, eh!”
Naisip namin, kung siguro mahirap pa lang si Manny noon, eh, I’m sure, nilagyan lang ng bolsa de yelo sa ulo si Mommy Dionesia at pinagpahinga lang at pinahigop ng mainit na sabaw.
O, ngayon, sosyal na si Mommy. Stress lang, na-confine na agad ang sikat na Nanay rin ng Pambansang Kamao.
‘Wag n’yong kalilimutang makinig palagi sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.
Oh My G!
by Ogie Diaz