BLIND ITEM: OVER the past six months, there had been a spate of cancelled shows on TV one after another. At ang pagkakapareho ng mga ito before they got axed on air ay ang kawalan ng sapat na panahon para abisuhan ang mga talents—both artists and the production team—that their happy days were over.
Recently, isa na namang program waved its audience goodbye. At hindi na kami magtataka kung magkahalong galit at sama ng loob ang nararamdaman ngayon ng isang female host nito.
Ang kuwento, it was business as usual for the entire staff, clueless that it would be their last taping day considering na nai-line up na nila ang mga episode sa susunod na linggo. Walang kaabug-abog, someone from the production team, presumably the head, broke the sudden and saddening news.
Siyempre, ikinaloka ‘yon ng buong staff lalung-lalo na ang dalawang main hosts ng programa, to think na wala namang prior notice man lang ang biglang pagkakakansela ng show. Their collective thought was: “Ganu’n na lang ba ‘yon?!”
Hindi raw sana sasama ang loob ng staff na kung hindi man pupuwedeng paabutin ‘yon ng isang season (or equivalent to 13 weeks), maanong kahit isang linggong allowance ay binigyan sila ng management?
At ang namuong collective questions: why was the program cancelled? Dahil hindi ba ito nagre-rate? Pangit ba ang concept? Hindi ba ito pinapasok ng mga advertisers?
Tandang-tanda pa namin ang papuri ng female host du’n tungkol sa aniya’y programang may sariwang konsepto, hindi lang basta interactive, kundi tumatalakay sa iba’t ibang karanasan ng mga tao she did not imagine herself. Saludo raw siya sa bumubuo ng creative team nito, but at the drop of a hat, without any clear reason given for its cancellation, tigbak sa ere ang show!
Hindi pa namin nakakausap muli ang female TV host, but I’m sure that she has a mouthful to say. More than her feeling ng panghihinayang for declining the offers from two other works, no doubt, it demoralizes people.
FOR TV5 TOP gun Manny V. Pangilinan, wanting to achieve even more is a limitless dream.
Alam n’yo ba kung ano ang next immediate plan ni MVP over and above his string of existing businesses? This time, MVP wants to go international sports, as in balak niyang bumuo ng isang US-based team na magiging bahagi ng NBA sa Amerika, taray, ‘di ba?
Ang objective daw ng Kapatid Network big boss is to become the first Filipino ever to form an NBA team. While it’s a lofty, if not an achievable dream, hindi kaya isipin ng publiko na bakit hindi na lang higit na suportahan ni MVP ang Philippine basketball or any other sport sa bansa?
At ano pa raw ba ang dapat patunayan ni MVP who’s into every giant business in the country? Bakit hindi na lang niya mas palawigin pa ang kanyang kuneksiyon sa bansa, lalo’t maugong ang tsismis na isang mataas na pambansang puwesto ang tinatarget niya come the next presidential polls?
CAUGHT IN THE act si Seysey ng kanyang best friend na si Anna na nakikipaglaplapan sa likod ng bahay. Ang ‘di ma-take ni Anna, ang ka-torrid kissing ni Seysey ay ang kanyang live-in partner of five years na si Allan. Madalas pa raw kumain ng minatamis na sa-ging ang mga talipandas, ayon na rin sa madir ni Anna.
Ito ang kuwentong inihatid noong Lunes sa Face To Face. At kahapon, Martes, umikot naman ang kuwento kay Robert na habang papauwi na sa bahay mula sa panliligaw kay Jane ay bigla na lang sinaksak ni Jared (dyowa ng hitad) dahil sa matinding selos. Nahulog din ang loob ni Jane kay Jared, na nang maabutan sila ni Robert sa bahay ng girlash ay magkaakbay habang nanonood ng TV.
A sapakan ensued. At nauwi sa saksakan na ikinaospital ni Robert na pasa-lamat na lang at hindi ari niya ang napagdiskitahang putulin ni Jared.
Naku, what cheaper stories than these await the viewers this Wednesday as Face to Face launches another barangay attack?!
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III