BLIND ITEM: NAKO, sino itong young actress na buntis daw? Pero bago pa lumobo ang tiyan (ewan namin kung nakaalis na o nandito pa, ha?) ay nakatakda nang lumipad patungong US kung saan titira muna siya hanggang sa makapanganak sa daddy niya.
Sabi nga namin sa aming source, ba’t kailangang itago eh, lalabas din naman ‘yan balang-araw? Mas magandang aminin na ngayon at tiyak na hahanga pa sa kanya ang mga tao.
Ginawa mo, eh ‘di panindigan mo, ‘di ba? Teka, sino ba ang dyowa nito ngayon? Sana, panindigan ng lalaki ang kanyang ginawa. It’s a blessing, kaya ‘wag ikalungkot.
Meron nga kaming kilalang aktres, nagbuntis hanggang sa makapa-nganak, hindi pa rin niya maamin sa mga reporter na siya’y nanay na, kaya hindi niya tuloy ma-enjoy ang kanyang pagiging ina.
Kaya ‘wag na kayong manghi-hingi ng clue kung sino ito, dahil in fairness, gusto namin ang PR ng batang ito. Mukhang prinsesa, pero very down-to-earth.
ANG DAMING NAGTATANONG sa amin kung ano ang opinyon namin sa “pagtatalak” ni Richard Gutierrez sa isang MMDA enforcer na nakahuli sa driver nitong ang violation ay overspeeding.
Honestly, mahirap magmaldita ng opinyon kung wala talaga kaming knowledge tungkol dito. Ang nalalaman lang namin ay nakakatuwang ang magkapatid na Ruffa at Raymond ay idinedepensa ang kanilang kapatid (which is but normal) sa twitter.
‘Wag daw husgahan ang kanilang kapatid, dahil hindi naman si Richard ang nahuli, kungdi ang driver nito. Lumalabas kasi na tila OA daw na pinagagalitan ni Richard ang MMDA enforcer.
May nagsabi naman sa amin na, “Totoong uminit ang ulo ni Richard, dahil hindi yata nakuha sa pakiusap ‘yung enforcer. Eh, mali naman niya talaga ‘yan, eh.
“Hindi naman porke artista ka, eh aasta ka nang parang siga, ‘di ba? Eh, bakit ba namatay sa aksidente ‘yung PA niyang si Norman? ‘Di ba, overspeeding din ‘yon?”
Oh, well… lumalayo na ang isyu. Basta ang importante, wala namang problemang hindi nareresolba, eh. Kahit hindi kami feel ni Richard eh, hindi para husgahan namin siya.
Basta kami ay natutuwa dahil one for all and all for one ang Pamilya Gutierrez ‘pag ang isa ay nalalagay sa alanganin.
BAKA ISIPIN NG iba, galit kami kay Willie Revillame, ha? Hindi po. Hindi lang kami nagkikita o hindi natitiyempuhang kami ay nagkikita.
Pero kami ay natutuwa sa kanyang pagbabalik, dahil totoo namang ang dami ring nakaka-miss kay Willie, lalo na ‘yung mga taga-hanga niyang masa.
Sa pagbabalik ni Willie sa Wil Time, Big Time ay aware pa rin naman siguro si Willie na parang ang daming hindi pabor. Lalo na sa Twitter.
Pero hindi naman lahat, may Twitter account, eh. Karamihan sa CD crowd, wala namang Twitter o Facebook account para iparamdam kay Willie ang labis nilang kaligayahan.
Sana nga lang, tuluy-tuloy na at wala nang mga aberya pang mangyayari para wala na ring isyu at tuluy-tuloy pa rin ang ligaya ng mga tumatangkilik sa kanyang show.
Sa mga gustong mag-follow sa amin sa Twitter, paki-search na lang po ang @ogiediaz at sa aming fanpage sa Facebook i-search lang ang “The Ogie Diaz”, at sa aming blogsite wwww.ogiediaz.blogspot.com.
Oh My G!
by Ogie Diaz