PUNO ANG Araneta Coliseum sa naganap na “pakulo” na KeriBeks (1st National Gay Congress daw) event sa last August 4, 2015. Hindi ko alam na may ganu’ng ganap na maging ang stage actress and self-confessed Lesbian at LGBT advocate na si Monique Wilson, hindi rin alam. I asked friends na involved sa kilusan at nagtataguyod sa LGBT issues and concerns kung sino ang may paandar, sila rin mismo ay walang masabi sa akin.
Wala naman daw streamer ng product sponsor or political party na nakita nila na nagkalat sa loob at labas ng event venue. Pero ayon sa private message sa Facebook namin ni Danton Remoto, professor sa ADMU at Ang Ladlad Partylist candidate noong nakaraang eleksyon, sina Korina Sanchez ang may pakulo.
Nagtataka lang ako kung bakit ilan sa mga LGBT groups na noon pa man ay tumataguyod sa isyus at karapatan ng mga LGBT’s ay hindi alam na may ganu’ng paandar ang mag-asawa. Not even the Partylist Akbayan’s LGBT Collective, alam na may ganu’ng ganap na maging sila ay hindi imbitado ang kanilang representative na ilan sa kanila ang siyang mga sponsor sa Anti-Discrimination Bill na natutulog sa kubeta sa Malacañang.
I just don’t know kung andun ang Lagablab, ang UP Babaylan, mga group from Task Force Pride (TFP) na noon pa man ay kasa-kasama sa pagkilos para sa pantay-pantay na karapatan g LGBT.
Kailan ba kaagapay sa isyus ng LGBT si Tia Koring? Unless kailangan niya sa palabas niyang Rated K na makainterbyu ng isang LGBT, o ang kuwento ng isang LGBT ay ‘yun lang ‘yun. Wala akong maalala na kaalyado silang mag-asawa sa mithiin ng mga LGBT tulad ng Anti-Discrmination Bill sa panahon ng rehimeng PNoy na malapit nang mamaalam sa 2016.
Bongga ang paandar ng mag-asawa sa mga beki. Bayad ang mga performers na sumampa sa entablado (unless “friends” kayo ni Tia Koring). Kuwento ng isang kaibigan, walang acknowledgment daw ng mga politiko na nandodo’n. Walang kaway-kaway sa audience ang mga nakikisawsaw sa LGBT issues. The fact na present sila at nakikita ng mga dumalo, ano pa nga ba ang ibig sabihin nu’n?
Indirectly, ang end result, maaalala ko ang mga sampu-samperang mga politiko na nandodo’n na mostly, nasa liga ni Kuyang Mar na susuportahan ni Tia Koring. Ang kapal (dahil nga ba sa make-up?)! Hahaha!
Sa artikulo ni Shakira Sison sa Rappler.com: “According to transgender advocate Geena Rocero, she was actually approached by the #Keribeks event organizers as early as May and was told that it was for the benefit of Mar Roxas – so there’s definitely no mistake who this event was for. Fortunately, Geena declined the invitation to be part of it because its objectives for the LGBT community were poorly defined.”
Halata naman na nanliligaw sila sa LGBT Bloc para sa boto ng mga kafatid, mga kuyang na lesbo, trannies, etc. Baka bukas pagising ko, baka mawala ang respeto at tiwala ko sa dati-rati’y sinusuportahan kong LGBT advocates.
Reyted K
By RK VillaCorta