Mar Roxas, maraming tanong ang kailangang sagutin

Mar-RoxasAno kaya ang mga sagot ni Liberal Party standard bearer na si Mar Roxas sa mga sumusunod na tanong na ito: “Nasa likod daw kayo sa naging desisyon ng Comelec (Second Division) na idiskuwalipika si Senator Grace Poe na katunggali n’yo?” “Kung pumayag lang daw si Poe na mag-bise presidente sa inyo, hindi raw sana magiging isyu ang tungkol sa kanyang citizenship at residency?”

“Sa tingin n’yo ba, nakaungos kayo sa presidentiable ding si Davao City Mayor Rodrigo Duterte sa mga binitawan niyang salita nang pormal na niyang idineklara ang kanyang kandidatura?”

“Pakilinaw ang isyung binayaran ng inyong partido nang milyun-milyong piso ang tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo para iendorso kayo?”

Except for the last two questions ay nasagot na ni Mar sa mga TV interviews ang mga tanong tungkol kay Grace. But the list of questions could go endless kung naging nagsilbing forum sana ng dating DILG Secretary ang idinaos niyang thanksgiving party for the entertainment media last Wednesday.

Sa tulong ng kanyang maybahay, ang batikang broadcast journalist na si Korina Sanchez, the evening turned out to be “apolitical”. Wala kasi itong bahid ng maagang pangangampanya, all there was to it was music (trio nina Mar, Alfred Vargas at Dan Fernandez; rockkaoke, a singing contest for the press; and a dance party that followed after).

Of course, with the thanks came the giving. Figuratively, ibinibigay na rin ni Mar ang pagpapasya sa mga taong naroon sa grand ballroom ng Novotel who the press people believed would make a good leader.

Siya na nga kaya?

TIMES MUST really be hard these days. Or are some people just making these times hard?

May sinisino na kasi ang mga okasyon ngayon—blame the practice on whoever is in charge—when such showbiz gatherings are supposed to solicit media support para paingayin ang kanilang pini-PR, be it a political candidate or a talent agency.

As in the case of a politician na gusto ng mas malawak na media campaign, we doubt if kilala niya ang mga nasa “black list” ng mga gumagawa ng talaan ng mga iimbitahang miyembro ng press. Sa kaso naman ng pamunuan ng nangangalaga ng mga artista, the selective invitation seems to rest on a group which plays personal favorites.

The prevalence of this hostile practice has become extremely clique-ish. Kunsabagay, how else can these so-called impenetrable entities gain premium an intelligent sine mente, aber?

EVERY SUNDAY, patindi nang patindi ang mga katatawanang pakabog ng Ismol Family sa GMA. Kahapon, kanya-kanyang trip meron ang mga tauhan sa top-rating family-oriented sitcom na ito.

Si Lora, may feeding program para sa mga mayayaman; si Mama A, nagsuot ng damit na nagmistulang naghihirap para lang mamili ng mga laruan at makipagsabunutan sa tindera; si Bob na isang balikbayan, object of jealousy ni Ethan; si Bobong, naging instant madatung pero hindi naman pala sa kanya at ninakaw ba ‘yon ni PJ?

Dalawang Linggo pa mula ngayon bago mag-Pasko, and expect more riot-filled, laughter-seasoned pre-Yuletide episodes ng Ismol Family, kung saan naaliw na ang mga manonood ay kinapulutan pa nila ng mga aral sa buhay ang kuwentong umiikot kina Jingo at Majay.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleEksenang Pa-mhin
Next articleMartin Nievera, binigyan ng standing ovation sa concert sa casino

No posts to display