NAKAKALOKAH ‘YUNG IBANG nababasa namin. Laging pinaggigiitan na kesyo walang pinagkaiba ang Pilipinas Win Na Win sa dating Wowowee. O, ‘di kaya ay ‘Iba pa rin ang Wowowee’ sa PWNW.’
Fine. Opinyon ‘yon, eh. Everybody is entitled to his own opinion.
So, ‘eto naman ang opinyon namin. Kung halos gayahin na ng show nina Robin Padilla at Kris Aquino ang show ni Willie Revillame, ‘wag na kayong ma-shock, dahil ikukumpara’t ikukumpara ang dalawang show na ‘yan sa ayaw at sa gusto n’yo.
Kung wala mang sinabi ang PWNW sa Wowowee, eh ‘di fine. Pagkagano’n ba, hindi n’yo na panonoorin? Malulungkot na kayo? Maghuhuramentado na kayo?
Simple lang naman ang batas ng buhay, eh. Kung ayaw mo, ‘wag mo. Kung hindi mo feel ang pinanonood mo eh, ‘di patayin mo ‘yung TV mo o di kaya ay ilipat mo sa show na gusto mong panoorin o malayo kung ikukumpara sa dating TV show.
It will take time para matanggap ng majority ang bagong show. Hindi naman overnight kayang gawin ‘yan, eh. Nasa adjustment period pa ‘yan.
Puwera na lang kung talagang fan ka ni Willie Revillame at isa ka sa mga nalulungkot na nawala ang Wowowee.
‘Yun ang hindi kayang burahin sa puso ninyo.
HONEST? KAHIT KAMI rin ay nalungkot sa pagkawala ng Wowowee. Wa ek. True ‘yan.
Alam n’yo kumbakit?
Iilan lang sa press people ang nakapapasok sa dressing room ni Willie. Pero ‘pag kami na ang nagsabi sa guard na bibisita kami kay Willie, itatanong na ng guard kay Willie kung papasukin kami.
At laging, “Sige po, pasok na po kayo!” ang sagot ng guard.
With matching, “Halika, kain ka muna. Ano’ng balita, Ogie Diaz?”
‘Yung mga tsikahan namin ni Willie ang mami-miss namin, dahil lahat ng mga sinabi ni Willie, kahit hindi niya kami sabihan, ay off-the-record.
Du’n lang sa point na nanduro siya sa harap ng kamera at ‘yung paghahamon niya na, “’Pag hindi n’yo tinanggal ‘yang si Jobert Sucaldito, hindi n’yo na ‘ko makikita dito bukas, tandaan n’yo ‘yan!” ‘Yun lang, du’n lang kami na-off kay Willie. Na sana, inisip niya muna ang kanyang sasabihin sa ere bago niya ibinuka ang kanyang bibig.
Pero sabi nga, nandiyan na ‘yan. Wala na ang Wowowee, pinalitan na ng Pilipinas Win Na Win, let’s all move on na lang po.
NAKAKALOKAH ANG ISYUNG split na raw sina Kim Chiu at Gerald Anderson. Hindi namin ‘to ma-take, kasi, hello naman! Ni hindi umaamin ‘yung dalawa na naging sila, paano sila aamin na split na sila?
‘Kalokah, ‘di ba? Well, kung hindi man nila maamin na break na sila, ang importante, tuloy pa rin ang buhay at itrato na lang nila itong isa sa mga trahedya nila sa pag-ibig.
Bahagi naman ng buhay ang pagkabigo. Para mas masarap damhin ang tagumpay.
Me gano’ng factor?
Kung type n’yo lang na mag-aliw-aliw, makinig kayo sa “Wow! Ang Showbiiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM station at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn kasama sina Francis Simeon, Ms. F at Fwend Rommel Placente.
‘Yan ay kung type n’yo lang makihalakhak at manghula ng blind item.
Oh My G!
by Ogie Diaz