KAHIT NA malungkot, nagpakita pa rin ng katatagan ang anak ni Direk Marilou Diaz-Abaya na si Marc Abaya.
Sa interview sa kanya ng Ang Latest ng TV5, masayang inalala ni Marc ang mga nagawa ng kanyang ina sa showbiz industry. Kuwento niya, “I think my mother touched the lives of many, many people. I think her greatest legacy, apart from her films, are the lessons that she’s taught her students.”
Hindi lang isang magaling na direktor ang ina ayon kay Marc, kundi isang mahusay at mapagmahal na ina at asawa.
Saad niya, “My mother is very generous to me, very supportive of my brother David and I, in our careers, and I’m more inspired, so is my brother, so is my father (Manolo) to be better at what we do. It’s not pressure, it’s inspiration.”
Dagdag pa niya, “Maraming nagsasabing very strict teacher siya pero she’s nice when she wasn’t in the classroom. Not to say na terror siya because she was the greatest teacher I ever had throughout my life.”
Natatawa naman si Marc kapag naaalalang minsan ‘baduy’ daw ang kanyang ina. “Baduy si Mommy, makulit siya. If she wanted to be makulit, mahilig magkuwento tungkol sa mga kaibigan niyang pumanaw, si Ishmael Bernal, Johnny Delgado. Glory days of filmmaking niya.”
Dagdag pa nito, “Mahilig siya magluto ng puttanesca, kumain at makikain, iyon si Mommy. Mag-scuba dive sa Anilao. She’s also a painter.”
Mahinahon daw si Direk Marilou sa anumang bagay, hindi padalus-dalos. “Si Mom kasi ano, parang samurai ‘yan eh, very calm. And that’s, ‘yun, ‘yung gusto niya para sa lahat. To deal with things as calmly as possible, may peace of mind, clarity of mind, hindi ka dapat magalit kaagad-agad.”
Sa huli isang malungkot na mensahe naman ang tila ipinabaon ni Marc sa inang malapit nang ihimlay sa kanyang huling hantungan. Naiiyak na sabi nito, “I will never forget you, I miss you so much. I will take care of David and dad and that we will be fine and we will never forget what you taught us. We will try to be the best that we can be for other people not just for us. And we’ll be fine and I’ll miss you so much.”
NITONG NAKARAANG Sabado, nag-guest si Vin Abrenica sa Ang Latest at dito ay inamin na niyang hiwalay na nga ang kanilang mga magulang. Na-ging palaisipan kasi sa mga manonood kung bakit Pampanga ang nakalagay na address nito, pero hayag namang bukambibig kay Aljur na sa Batangas ang kanyang probinsiya.
Pag-amin ni Vin, “’Yung sa akin naman po ay lumaki po talaga kami sa Pampanga. 18 years po ako du’n, pero every summer doon po kami sa Batangas. Pero ako po… pero ako po kahit may pasok ay pumupunta po talaga ako kay Daddy. Kasi daddy’s boy po talaga ako.”
Tanong kay Vin, kung hindi na ba sila magkasama sa iisang bubong ng kanyang ina at ama? “Lately lang po nangyari ‘yun… lately lang po nangyari ‘yun. ‘Yung mga raw po na dati eh, magkakasama po talaga kami sa isang bubong, lahat kami masaya, nagsisimba, kumakain sa labas. Pero lately noong medyo may naging malabo na, medyo hindi po malinaw eh, ewan ko, medyo naghiwalay, nag -ecide po silang mag-separate ways po.”
Sa ngayon daw ay nakatira si Vin sa bahay ng kanyang kuya Aljur.
Isang sorpresang sulat at tula naman ang ipinadala ni Aljur sa Ang Latest at dito ay napag-alamang ‘Vim’ pala ang tawag ni Aljur kay Vin. Wika nito sa sulat, “Vim, first of all hindi ako sanay, inaaway pa ako ni Mama para gumawa lang ng letter sa ‘yo. Pangalawa, alam mong sa babae lang ako sumusulat. Hehehe. Kaya Vim pasensiya na kung hindi buo ‘tong letter ko dahil hindi ko alam kung paano ko i-express ang nararamdaman ko. Pero nakagawa ako ng tula, mas nai-express ko ang sarili kong nararamdaman sa pamamagitan noon. Kaya sana magustuhan mo, nakasulat lahat doon ang halos lahat ng gustong sabihin ng kuya. Aljur.”
Kasunod namang binasa ng isa sa mga hosts ng show na si Amy Perez ang tula para kay Vin, na hindi na ito tinapos na basahin dahil nangingilid na ang luha ni Vin.
Sa huli, nagpaabot naman ng pa-puri si Vin sa kanyang kuya Aljur. “Na-touched po ako nang sobra. Kasi si Kuya po. alam ko po, ah believe po ako sa kanya pagdating sa mga sulat, kasi hindi po siya marunong – ako po pagdating sa essay, pero sa school pagdating sa tula siya po talaga ang magaling magsulat. ‘Di pa po niya ito nagawa sa akin, ngayon lang.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato