GUSTONG siguraduhin ni Marc Cubales, producer at organizer ng kauna-unahang Cosmo Manila King and Queen 2022, na magiging parehas ang judging sa mga contestants ng pageant sa gaganaping coronation night nito sa Nov. 5, (Sabado) 2022.
Ang pageant night ay gaganapin sa Skydome SM North Edsa, Quezon City at mmagsisimula ito ng 7 p.m.
“Gusto kong maging fair sa lahat ng finalists na yung karapat-dapat at deserving talagang manalo yon ang mananalo. Pare-parehas nama silang lahat na nag-exert ng effort mula sa go-sees, pictorials, sponsor visits, media launch, etcetera, pero alam din naman nila na sa dulo ng contest ay may pipiliing winners,” pahayag ni Marc na dating fashion model sa United Kingdom bago naging businessman at producer.
Iginiit din ng organizer na bagamat isang kompetisyon ng pagandahan ng katawan ang ang Cosmo Manila King and Queen ay mahalaga pa rin ang sportsmanship at attitude ng mga candidates sa pagtanggap sa kanilang pagkatalo if ever na hindi sila manalo.
“Ganun talaga sa contest, di ba, may mananalo at may matatalo. Ang mahalaga ay ibinigay mo yung best mo at may natutunan ka sa naging experience mo sa contest. Nakita ko naman na nag-i-enjoy silang lahat,” wika pa ni Marc.
Isa sa goals ni Marc kaya niya nilikha ang Cosmo Manila King and Queen ay para makatulong sa mga future models at sa production people na ganito ang line of work.
“Masarap yung feeling na nakakapagbigay ka ng work through producing a pageant like this. Maraming masisipag at kilala tayong mga kaibigan na when it comes to production sobrang gagaling at honestly ramdam ko yung dedication nila sa work. So deserve nila talaga na bumalik at magkaroon uli ng opportunity na gumawa ng isang quality pageant like Cosmo Manila,” sabi pa niya.
Anyway, Cosmo Manila Queen 2022 official candidates are: Jane Usison, Khat Gonzales, Claire Ramos, Sahara Cruz, Ver Johansson, Aya Valdez, Jannah Garcia, Milka Gonzales, Anita Gomez, Arianne Villareal, Jasmine Benigno Castro, Airah Graciela, Dimpol Ortega, Mae Burgos, Neah Cassandra Aguilar, Morena Carlos, and Deberly Bangcore.
Ang male official candidates naman ay sina: Hawkin Madrid, Paul Jiggs Venturero, David Soledad, Christian Villarin, Nash Mendoza, Aaron Moreno, John Zafe, Simon Abrenica, Hanz Vergara, Jovy Angel, Ivan Bonifacio, Ronie Palermo, Curt Del Rosario, RJ Absalud and Allen Ong Molina.
Isang male candidate naman ang nag-backout pagkatapos ng Cosmo Manila press presentation dahil hindi raw nito matanggap ang pagkatalo sa Darling of the Press award kay candidate No. 12 na sii Nash Mendoza.
Host ng Cosmo Manila coronation night sina Michael Bristol, Joy Barcoma, at John Nite. Sina Paul Salas, Kris Lawrence, Sex Bomb New Gen and Batang Mama naman ang mga special guests.
Tickets are available at SM Tickets. For more details, call CP#s 09667088434 and 09602533903.
Part of the proceeds of the show goes to Cosmo Foundation: Gintong Palad & Balikatan Foundation.
Cosmo Manila Queen 2022 is produced by Marc Cubales with Ms.Edz Galindez as supervising producer, Leklek Tumalad as casting director, and Bembem Espanto as over-all director.