AMINADO ang hunk viva actor na si Marco Gumabao na kinabahan siya sa love scenes nila ni Anne Curtis sa Just A Stranger dahil first time pa lang niya itong gagawin sa pelikula.
Buti na lang daw ay tinulungan siya ni Direk Jason Paul Laxamana at inalagaan siya sa mga eksena para mas maging komportable.
Ayon naman kay Anne, dini-discuss nila ni Marco ang tungkol sa blockings kapag may mga intimate scenes silang gagawin.
Ani Anne, “We really spoke about it. Sa eksena mismo pagdating doon sa Portugal. As in may blockings na nagaganap kasi siyempre bago eh.
“Usually kasi, medyo you have freedom to act it out pero bilang “neophyte” nga siya, we really had to block it, ano ‘yung gagawin. So we really guided him kasi it was his first time to do an intimate scene like that.”
Para naman kay Marco, isang privileged na makasama niya sa pelikula si Anne na never niyang na-imagine na magkakatotoo pala.
“Iba yung pakiramdam na dyosa yung kasama mo sa pelikula. It’s really a huge honor for me to be paired with her,” sambit ni Marco.
Palabas na sa Aug. 21 ang Just A Stranger mula sa direksyon ni Jason Paul Laxamana and produced by Viva Films.
La Boka
by Leo Bukas