SANA, HINDI ito isang betrayal of friendship but above all ay nais lang naming iulat kung gaano kamatagumpay ang pinangunahang fund-raising show ni Dulce para sa isang kapwa Cebuana singer sa Zirkoh Bar nitong August 27.
Nope, hindi namin ipagkakanulo for thirty pieces of silver ang reporter ng Startalk TX who covered the “gold” event, ang kaibigang Gorgy Rula na kabisado rin ang lyrics ng Visayan song na Usahay na siyang pamagat din ng pa-show para kay Susan Fuentes.
Sa “now” generation who might ask kung sino si Susan Fuentes, unang-una, she’s neither related to Susan Roces nor to Amalia Fuentes. But like the two movie queens, Susan is hailed as the Queen of Visayan Songs whose signature hits include Usahay and Miss Kita Kung Christmas.
Susan Fuentes has been waging a battle against a severe kidney disorder, dahilan para ang bespren nitong si Dulce (“sweet” in English) ay manguna sa pangangalap ng donasyon in her own version of sagip-buhay cause. All this time, Gorgy has taken part in the coverage, chronicling Susan’s present state from the hospital to the hospitality (accorded by fellow artists).
Mahigit kuwarentang mang-aawit ang nagtanghal gratis et amore ng gabing ‘yon, with ticket price pegged at P1,000. Nang kuwentahin na raw ni Dulce ang total ticket sales, umabot ‘yon sa P205,000. Puwera pa raw rito ang ilang collectibles at cash deposits made by other celebrities to a designated bank.
All throughout the show, Gorgy bore witness kung paanong sulit na sulit ang isanlibong pisong ibinayad ng mga walk-in customer ng Zirkho Bar. Sa performance nga lang daw ni Jay Durias, it was already a gig “inside the jar”…as in pasok sa banga!
But what struck Gorgy the most ay ang equally walang-kupas pa ring performance ni Marco Sison, there’s more though. Excited na kuwento ng aming kasama sa panulat, “Nakakaelya pa rin si Marco to think na more than 50 na siya, ha?! Naku, hahabulin pa rin talaga si Papa Marco ng mga matrona’t bakla!”
My “lust” will see you through, ganu’n ba ‘yon?
EVEN IF Gelli de Belen is now at the helm of Face To Face, isang espes-yal na VTR ang inihanda in honor of its former host-kapitana Amy Perez on her birthday ngayong Miyerkules. As we all know, nasa kagampan ngayon si Tyang Amy who was advised not to take on stressful TV assignments, kaya she’s now hosting TV5’s drama anthology, ang Untold Stories.
Samantala, abangan ang episode today na Sinipsip Ang Leeg Daig Pa Si Dracula…Minarkahan Ng Tsikinini Para Iyabang Ang Gigil Na Romansa! Kuwento ito ni Zeny na nabukelyang may kabit ang kanyang dyowang si Ronald nang dahil sa namumulang love bite sa leeg ng kalaguyo nitong si Tintin. Ang hitad namang Tintin, bukod kay Ronald ay meron pang ibang dyowa.
At dahil espesyal na araw for Tyang Amy, pasisilipin ang mga sawsawero’t sawsawera sa selebrasyon ng kanyang kaarawan kasama ang mga batang malalapit din sa puso ng Face To Face.
Abangan naman bukas, Huwebes, ang kuwentong Lalaki Non-stop Manapak Hangga’t Ngipin ni Babae Hindi Lahat Nalalagas… At Para Ma-relax Pati Ulo Niya Ginawang Kasil-yas! Kulang na lang ay imasaker ni Inggo ang kanyang live-in partner na si Arlyn, na bukod sa pisikal na pananakit ay gutom din ang inaabot nilang mag-iina sa walang-kuwentang lalaki.
Hindi naitago ni Ateng Gelli ang maapektuhan, bagay na hindi maunawaan, herself a happily married wife to her responsible husband Ariel Rivera.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III