PATULOY ANG PAMAMAYAGPAG ng lahing Pinoy sa world arena. Habang patuloy ang pagbulusok ng international si-nging careers nina Charice at Arnel Pineda ay isa namang Filipino YouTube sensation ang pumukaw ng atensyon ng buong mundo. Young Fil-Canadian Maria Aragon did a cover version of Lady Gaga’s hit song ‘Born This Way’. Her brother uploaded the video which eventually caught the pop superstar’s attention. Lady Gaga posted Maria’s video on her official Twitter account describing her as “the future”.
At hindi pa rito nagtatapos ang koneksyon nilang dalawa dahil inimbitahan ni Lady Gaga si Maria na mag-perform kasama niya sa kanyang concert which is part of her 2011 Monster Ball Tour.
It was a dream come true at isang malaking karangalan para sa bata dahil hindi naman lahat ay nabibigyan ng ganitong klase ng pagkakataon na maka-duet ang isang bigating singer gaya ni Lady Gaga. At hindi natin maikakaila ang sobrang kasikatan ni Lady Gaga. The singer is sweeping across the international music scene like storm with hit songs like Just Dance, Love Game, Paparazzi, Poker Face, Bad Romance, Alejandro, Telephone (with Beyonce), and Born This Way. Bata o matanda, babae o lalaki, bakla o tomboy ay siguradong kilala si Lady Gaga at ang mga kanta niya.
Isang di-malilimutang karanasan para kay Maria ang maka-duet ang kanyang idolo sa Air Canada Centre in Toronto, Canada. Makikita sa mga videos ng concert that she was sitting on Lady Gaga’s lap while singing Born This Way. Nagpasalamat si Maria kay Lady Gaga for giving her that once-in-a-lifetime chance to perform with her. “I wanted to say I’m just really grateful for you, for all of you, for all the support. I am actually from Winnipeg and I came over, I was invited.” The pop superstar responded by saying, “Thank you for being here tonight, it’s such a beautiful night.” Mayroon pa silang picture na magkasama na makikita sa official Twitter account ni Lady Gaga.
Marami ring natatanggap na mga invitations si Maria gaya noong mag-perform siya sa harap ng media sa Virgin Records in Toronto. She also appeared on The Ellen DeGeneres Show and Good Morning America. Her performance of Born This Way on Good Morning America was broadcast on a giant screen in New York’s Times Square.
Nakakatuwa itong si Maria dahil kahit ipinanganak siya sa Winnipeg, Canada ay marunong siyang mag-Tagalog. Ipinagmamalaki raw niya ang kanyang pagiging Filipino at pa-ngarap niyang makarating ng Pilipinas. Hindi ba’t nakapag-concert na rito sa Pilipinas ang idol niyang si Lady Gaga in 2009? Meanwhile, naging guest si Maria sa nakaraang concert ni Piolo Pascual sa Toronto, Canada.
Bagay ang lyrics ng Born This Way kay Maria. “We’re all born superstars… So hold your head up, girl and you’ll go far…”
Kaibigan, usap tayo muli!
Points of Boy
by Boy Abunda