NANOOD SI Maria Isabel Lopez at ang kanyang partner sa special screening ng Edna sa Metropolitan Museum kamakailan. Nandoon din ang mag-inang Gloria Sevilla at Suzette Ranillo, Cherrie Gil, Mon Confiado, atbp. And of course present din sa screening ang cast ng Edna sa pangunguna nina Irma Adlawan, Ronnie Lazaro, Kiko Matos, Tonet Gedang, ang producer, atbp.
Dahil sa tapang ng pagkakagawa ng pelikula ay umani ito ng papuri at hinangaan ang paglalahad ng istorya ng isang OFW at psychological effect ng kaganapan ng pamilyang binalikan matapos magtrabaho sa ibang bansa.
Tamang-tama ang pagpapalabas ng Edna para sa pagdiriwang ng Mother’s Day on May 20 na binigyan ng Graded A ng Cinema Evaluation Board.
Going back sa ginanap na special screening ng Edna sa Metropolitan Museum, kung saan nga pinanood ito ng mga celebrity at representative mula sa DOLE, diplomats, atbp., may eksena na nakikipaglaplapan si Ronnie Lazaro sa bagets na si Kiko Matos.
By the way, si Ronnie rin ang director ng Edna na walang takot na ipinakita sa movie ang mga dinadaranas ng isang OFW pagkatapos na magtrabaho abroad at pagdating ng bansa sa piling ng pamilya nito.
Husband ni Edna, portray by Irma, si Ronnie na matutuklasan na isang gay at ang kalaguyo ay ang itinuring na ring anak ni Edna.
Sa eksenang naglalaplapan sina Ronnie at Kiko ay marami ang nakapansin kay Maria Isabel Lopez na parang hindi nito ma-take makita na nakikipaghalikan si RL sa kapwa lalaki.
Matatandaang lumabas si Ronnie sa mga pelikulang super daring noon at may eksena pa itong nakikipag-sex kay Josephine Manuel sa pelikulang Bangkero kung hindi kami nagkakamali.
Anyway, maganda naman ang kinalabasan ng kabuuan ng pelikula at pinatunayan lang ni Ronnie Lazaro na isa siyang professional na actor. Kung kailangan at hinihingi ng istorya ay ginagawa nang walang pag-aalinlangan, ‘di ba Maria Isabel Lopez?
Magkakaroon pa ng special screening ang Edna sa UP Diliman Film Center sa May 18, bago ilabas sa May 20 sa mga piling sinehan.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo