Inamin ng Japanese bold star na si Maria Ozawa na malamig ang Pasko niya dahil wala raw siyang karelasyon ngayon.
Kung sakali raw magkaka-boyfriend siya ay mas gusto niya na isang Pinoy ito dahil napakasarap daw magmahal ng isang Pinoy.
“There is no man in my life right now,” nakangiting say ni Maria sa ilang press.
“I’m telling all those who interview me that I’m going to find somebody once I get here. I will be spending my first Christmas here in the Philippines so I do hope I get that somebody before Christmas. I don’t want to spend Christmas alone,” nakatawa say ng Japanese actress.
Magmula nang magpunta ng Pinas si Maria Ozawa na nagsimula nga noong gawin niya ang pelikula na pagsasamahan sana nila ni Robin Padilla na pinalitan ni Cesar Montano, makailang beses na siyang pabalik-balik sa bansa. Isang dahilan ng pagbalik niya ng Pinas ay dahil sa malapit nang pagbubukas ng kanyang bar sa Resorts World Manila na La Maison.
“The Philippines I now really like my second home. Everyone is so nice. I really like it here. I really do. Now I know it takes two hours to get to everywhere here, it’s okey!” nakangiting say pa ni Maria na nasanay na rin sa traffic sa EDSA.
Aside sa pagiging so nice at guwapo raw ng mga Pinoy, nagustuhan din niya ang mga pagkain natin, tulad adobo, crispy pata, sinigang, bibingka, halo-halo, at pichi-pichi maliban lang daw sa balut.
Marami na rin daw siyang alam na Tagalog words. “I’m learning bits and pieces likes magandang umaga, magandang hapon, magandang gabi means good morning, good afternoon and good evening.”
Dahil malapit na ang Parade ng Metro Manila Film Festival, ngayon pa lang daw ay excited na siyang sumakay sa float.
“I was checking the past parades on YouTube and I was thinking of wearing just a kimono. But then on second thought, it’s going to be 30 plus degrees (heat) and lots of crowds so I’m still thinking about what to wear,” pagtatapos ni Maria.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo