NGAYONG ARAW GINUGUNITA ang National Heroes’ Day, but I can’t help but look back at the most recent events, kung saan ang pagbibigay-tribute sa mga bayani ng ating bansa is one of historical flaw.
Pinatungan ng ating watawat ang kabaong ni dating Sr. Insp. Rolando Mendoza (pero tinanggal din bago inilibing), bagay na inalmahan ng Hong Kong government sa anito’y hindi naman karapat-dapat na paggawad ng simbolo ng kabayanihan sa inorkestra nitong hostage-taking.
Sa isang banda, hindi man nasungkit ni Maria Venus Raj ang minimithing Miss Universe crown, maituturing pa rin siyang tagasalba sa tinamong kahihiyan ng Pilipinas sa mata ng international community. Pero may heroes’ welcome bang sumalubong kay Venus, tulad ng major major treatment kay Miriam Quiambao back in 1999 na hindi rin naman naging Miss Universe?
Basta ang alam ko, mas pinahahalagahan ang mga kontrabida kesa mga tunay na bida sa real-life teledramang ito sa kasalukuyang panahon… tamah!
BLIND ITEM: KAPAG nagkataon, minus one ang commercial endorsement ng aktor na ito sa “iba” pala niyang tinutungga tungo sa landas ng pagkabangenge.
Slip of the tongue kasing naitsika sa akin na kumbaga sa ineendorsong tsaa ng aktor ay kape ang kanyang iniinom. Bagama’t iisa lang naman daw ang epekto nito, that is, to relax his mind and body from a hard day’s work (hindi lang po isang araw), “commercially unethical” daw ang trip ng aktor.
Hay, hanggang dito na lang muna as I can’t wait to gulp down my next beer bottle! Hindi na rin kasi ako makapaghintay sa aking… tamah!
CAUGHT IN A raging trade of verbal bullets, napakahirap ilagan ni Amy Perez ang mga “tamah” ng mga nagbabangayang panig sa kanyang programang Face To Face sa TV5.
I cannot imagine any other host as “invincible” as Ate Amy (Ate Amy raw, o!) whose objective mediation on issues ranging from espousal break-ups to neighborly spats to downright katsipan to the max ay nakakaya niyang pagitnaan nang walang kinikilingan.
Ate Amy transforms her daily program into a kangaroo court of sorts, na ibinababa niya sa level na mas nauunawaan ng mga manonood ang mga paksang pinagtatalunan ng dalawang kampo. Ang tipo ni Ate Amy ay hindi ‘yung host who adds fuel to the fire, bagkus she listens to both sides and asks probing questions, let the feuding parties celebrate their supposedly private rottenness on national television!
Ate Amy’s job as a go-between is even harder than her guests’ willingness to expose their stinking stories. Any moment nga kasi, as commonly happening around us, kadalasan, ‘yung mga umaawat sa mga naggigirian ang siyang nadidisgrasya.
Credit goes to the one and only Amy Perez, the perfect choice for the job not even Kris Aquino, the so-called Queen of all Media. Can give justice to. Tamaaah…
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III