DI MAITAGO ANG sobrang kasiyahan sa mukha ng GMA-7 Prime Artist at Men’s Health June issue coverboy na si Dingdong Dantes nang malaman nito ang sinabi ng girlfriend na si Marian Rivera na Christ-centered na ang kanilang relasyon at malaki ang naitulong niya para magbago, lalo na ang pag-handle sa mga intriga.
“Para sa amin kasi, it’s more of a spiritual relationship na ang sa amin ngayon.”
“’Yung growth namin kasi, hindi lang namin binabase sa kung ano ang ginagawa namin, pero kung paano rin kami maggu-grow as a couple.”
“Nararamdaman ko ‘yun dahil ibang-iba kami nag-umpisa at ibang-iba na kami ngayon. Iba na rin how we treat issues, how we treat problems, and how we treat each other, na mas paganda nang paganda,” pahayag ng aktor.
“IT’S A BIG NO!” Ang namutawi sa bibig ni Iwa Moto tungkol sa balitang nagtangka siyang magpakamatay dahil sa problema sa puso. Ayon kay Iwa, mahal niya ang buhay niya, kaya bakit naman siya magpapakamatay?
Tsika pa nito, ang totoong nangyari raw ay uminom siya ng gamot na wala pang laman ang kanyang tiyan kaya naman daw ganu’n ang nangyari sa kanya at naging dahilan para isugod sa hospital.
Idinenay rin nitong naglaslas siya, dahil kahit ipakita raw niya ang kanyang pulso ay wala itong hiwa. Aminado naman daw siya na stress siya at depress sa nangyari, pero hindi naman daw aabot sa puntong magpapakamatay siya dahil ‘yun ang hindi niya kayang gawin.
ANG MAGKAROON NG pelikula at regular na primetime soap ang isa sa wish ni Gerald Santos sa kanyang katatapos na kaarawan. Ayon kay Gerald, gusto raw nito ulit maranasan nang umarte sa tele-bisyon na una nitong nasubukan sa bakuran ng GMA-7 sa I love New York.
Pero ‘di na ito ulit nasundan pa, kaya naman sa kanyang bagong tahanan, ang TV5, nakikipag-negotiate na ang kanyang manager sa possible acting project na puwede niyang sama-han sa TV5, bukod pa rito ang movie project naman na gagawin niya bago matapos ang taon.
Sa ngayon daw, happy si Gerald sa takbo ng kanyang career sa TV5, kung saan regular itong napapanood tuwing Linggo sa Fantastik. Magkakaroon din ito ng malaking konsiyerto na gagawin sa Music Museum na may titulong “Gerald Santos, Major Move” na gaganapin sa June 18, 2011, 8pm. Ito ay for the benefit of Dunamis Medical Mission.
NAKARARAMDAM DAW NG pressure ang bagets star ng TV5 na si Josh Padilla sa pagpasok sa showbiz ,kung saan under contract siya ng VIVA Entertainment, dahil sa pagiging anak ng sikat na sikat na mang-aawit noong dekada ‘80 na si Gino Padilla.
“I carry the name Padilla and I really want to make a good impression. I want to make people happy.”
Tsika pa ni Josh na dati raw ay sumasama-sama lang siya sa concerts ng kanyang daddy, pero ngayon daw nasa showbiz na rin siya. “Sumasama po ako sa dad ko, ‘pag may concerts po siya.”
Kuwento pa ni Josh na wala siyang balak pumasok sa showbiz, nakita lang daw siya ni boss Vic Del Rosario at pinag-audition sa Bagets at mapalad namang nakuha. Ngayon daw ay ini-enjoy ni Josh ang kanyang pag-aartista, pero hindi naman daw niya pababayaan ang kanyang pag-aaral.
John’s Point
by John Fontanilla