NOONG UMPISA ay pampa-good vibes ang tini-tweet ni ‘@superstarmarian’, ang pinakamatagal na pinoy celebrity parody account sa Twitter. Matatandaan na nagsimula ang nasabing account sa pagpapanggap na siya si Marian Rivera at pinauso ang #Meynteyn based sa commercial na pinasikat ng Kapuso Primetime Queen noon.
Kung noon ay puro patawa at pa-good vibes ang laman ng nasabing account, tila naging political na ito at may mga nasasabi na hindi na tugma sa personality ng totoong Marian Rivera.
Sa kanyang official Instagram account ay nakiusap na si Marian Rivera na kung maaari ay tigilan na ng nasabing parody account ang paggamit sa pangalan niya.
“FYI: Wala po akong Twitter account, hindi po ako si “superstarmarian” sa twitter at hindi ko rin kilala ang taong nasa likod nito. At sana tumigil na ang ganitong mga account na gumagamit sa pangalan ng ibang tao.”
Kahit pa sabihin natin na may mga isyu sa bansa na kailangang pagtuunan ng pansin, nakakaalarma rin na magamit ang pangalan ng mga celebrities lalo pa ngayon na napaka-fragile ng mga pinoy at madaling maniwala sa kung ano ang nababasa nila sa social media. May mga ilan pa rin sa mga netizens na hindi alam kung ano ang real at fake accounts.
Hindi natin masisisi si Marian sa usaping ito lalo na at matagal din niyang pinalagpas ang parody account. Kapag nagiging seryoso na nga naman ang diskusyon at hindi naman trip ni Marian na makisawsaw sa mga seryosong isyu ay nararapan lang na umalma ito.