HANGGANG NGAYON, patuloy pa rin ang pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng baha dala ng bagyong Maring at ng Habagat.
Ang nakakatuwa, sama-sama ang mga taga-showbiz sa pagtulong. Ang daming nababalita, pero marami rin ang hindi natin alam. Lihim silang tumutulong na hindi na kailangang mag-invite ng media para i-cover.
Ilan sa mga naunang nagbigay ng tulong ay sina Angel Locsin, Jericho Rosales at magkasintahang Dingdong Dantes at Marian Rivera. Ayaw lang nilang magpa-interview o ipabalita pa, pero wala silang magagawa kung nakukunan pa rin.
Nu’ng Martes pa lang, nanguna na ang magkasintahang Dingdong at Marian sa pamimigay ng pagkain sa mga nabahaan sa Roxas District. Kinabukasan naman, tumuloy si Marian sa tanggapan ng Yes Pinoy Foundation para tumulong naman sa repacking ng mga pagkain na ipamimigay pa nila. Namatayan pala ang pamilya ni Dingdong kaya si Marian muna ang tumulong doon sa mga taga-Yes Pinoy.
Pagkatapos nu’n, tumuloy sila ng Pasay para roon nila ipamigay ang mga na-repack nila. Pero sumunod na roon si Dingdong para samahan si Marian. Nakunan nga ito ng Startalk, pero ayaw na nilang magpa-interview dahil iniiwasan na ni Marian na kaya nila ginagawa ‘yun para lang pang-publicity.
Nagulat nga siya nang may dumating na mga camera du’n. Iniiwasan nilang ipabalita ‘yun dahil ang gusto lang naman talaga nila, tumulong hindi para ipamalita pa.
Jodi Sta. Maria, future first lady ng Cavite?!
KAHIT NGA sina Sen. Bong Revilla, kasama sina Lani at Jolo, puspusan din ang pagtulong nila sa mga nabahaan sa Cavite. Ang nakakaloka pa, pati ang bahay nila sa Imus, pinasok din ng tubig at ayaw raw umalis du’n ni Mang Ramon. Kaya sinamahan na muna nila du’n ng isang araw.
Ayaw na ring ipabalita ito nina Bong dahil I’m sure may masasabi na naman diyan ang iba, ‘di ba? Kaya tahimik na lang silang tumutulong.
Ang nakakatuwa pa, sobrang support din si Jodi Sta. Maria kay Jolo. Abalang-abala si Jolo sa pag-iikot sa Cavite at gusto sana siyang samahan ni Jodi, pero nagkasakit pala ito at kailangan niyang magpahinga muna para makapag-taping siya kinabukasan. Pero nangako raw si Jodi na sasamahan niya si Jolo sa feeding program nila sa Cavite bukas.
Bongga! Parang taga-Cavite na rin talaga si Jodi at mukhang magiging first lady na rin siya ng lalawigan ha?!
Abangan n’yo na lang sa Startalk bukas ang update namin sa mga taga-showbiz na naapektuhan ng baha.
Helen Gamboa, nag-back-out sa teleserye sa Siyete
NAKAKALOKA NA ang panahon. Wala pa ring tigil ang ulan at tuluy-tuloy pa rin ang pagbaha sa ilang malalalim na bahagi ng bansa na madalas namang binabaha. Kaya naging alert din ang lahat at dito mo nakikita ang mga kababayan natin na nagsasama-sama para makatulong sa mga nasalanta ng bagyo at baha.
Ang daming taping sa GMA-7, pati ang sa iba ring istasyon ang na-pack-up dahil sa sama ng panahon. Ilang araw nang packed-up ang taping ng bagong drama series ng GMA-7 na Akin Pa Rin ang Bukas dahil sa binabaha ang location na pagteteypingan nila.
Nilinaw na rin dito pala sa bagong drama series na ito ng GMA 7 na nag-back-out na nga si Helen Gamboa for health reasons daw. Kaya si Liza Lorena ang ipinalit at nakapag-taping na nga ito.
Nakatatlong araw na taping na nga si Helen, pero kailangan daw niyang sundin ang payo ng doktor nitong kailangan muna niya ng complete rest.
May mga narinig akong kuwento, pero siguro mabuting i-confirm na muna natin. Basta ang statement na inilabas ng GMA-7, mag-rest daw muna si Helen kaya pinalitan na ito ni Liza.
Idinagdag na rin si Gloria Romero sa cast kaya lalong lumaki ang mga artistang involved. Bukod kina Lovi Poe, Rocco Nacino at Solenn Heussaff, kabilang din si Cesar Montano na may mahalaga ring role na gagampanan.
Magsisimula na raw ito sa September 9 na papalit sa timeslot ng Mundo Mo’y Akin.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis