Marian Rivera at Dingdong Dantes, walang Valentine’s date!

SA LAUNCHING ng Bench Empower deo-cologne ni Dingdong Dantes, natanong namin kay Dingdong ang tungkol sa GMA-7 newest primetime soap na My Beloved na magpa-pilot na sa February 15, kung saan dual character ang kanyang ginagampanan.

“’Yung isang character, medyo lately ko na lang nasuot, eh, ‘yung hindi tao. So, magandang adjustment kasi, mabuti inuna namin ‘yung mga mortal. Tapos maganda rin na medyo na-delay kami ng pagpapalabas. In that manner, napaghandaan namin nang husto. At least, alam namin kung paano ang atake. Magaling kasi ang mga katrabaho namin, lalung-lalo na ang leading lady, si Marian Rivera.”

Tsika pa ni Dingdong na paniguradong magugustuhan daw ito ng kanyang mga tagahanga dahil bago ito sa kanya at ngayon lang niya gagawin, plus factor pa daw na kasama niya ang kanyang real sweetheart na si Marian Rivera.

Dagdag pa nito na wala pa raw silang plano ni Marian ngayong Valentine’s Day dahil may trabaho siya sa Feb. 14, kung saan guest siya sa concert ng mag-asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez-Alcasid sa Araneta Center. Sana nga raw ay matapos nang maaga para makapag-date pa sila ni Marian sa Araw ng mga Puso.
MALAKI ANG ginawang formal blessing ng Taal Imperial Hotel and Resort ng Regal producer na si Mother Lily Monteverde dahil bukod kay Gov. Vilma Santos, dumalo rin ang ilang matataas na opisyal ng Taal at Batangas tulad nina Vice Gov. Mark Leviste, Mayor Michael Montenegro at Vice Mayor Pong Mercado, kung saan si Archbishop Ted Madlangbayan ng Taal Basilica ang nag-officiate ng blessing.
Bukod sa mga pulitiko, dumayo rin sa Taal ang ilang malalapit na kaibigan ni Mother sa showbiz gaya nina Marichu Vera Perez-Maceda, Lilybeth Vera-Perez, TAPE, Inc. exec Malou Choa-Fagar, talent managers Ethel Ramos, Shirley Kuan, Girlie Rodis at Dolor Guevarra, ilang miyembro ng showbiz press at marami pang iba.
At sa  appreciation speech ni Mother Lily sinabi nito na si Gov. Vi ang inspiras-yon niya sa pagpapatayo ng kanyang bagong “baby”.
“What inspired me to give birth to this baby? Of course, one big factor is my admiration for Gov. Vi’s accomplishments for Batangas. She is such an enterprising leader who has turned Batangas into one of the country’s most booming provinces. Ito ay hindi sipsip, I’ve known her since she was young. She is like a daughter to me. Our relationship goes beyond business and profession. Taal Imperial Hotel & Resort is here today as a testament to the kind of friendship Gov. Vi and Mother Lily have built through the years.
“I would also like to thank Vice Mayor Pong Mercado for all the help and support he has given me and my staff. My family and members of the entertainment press who came all the way from Manila to be with Mother Lily today.


“I hope you enjoy your stay and promise me this won’t be your last. God bless Taal Imperial & Resort. God bless Gov.Vi, God bless Mother Lily, God bless everybody,” pagtatapos ni Mother Lily.

MARAMING NA-STARSTRUCK nang bumungad ang kaguwapuhan ng anak ni Ilocos Sur Gov. Imee Marcos na si Borgy Manotoc na swak na swak mag-artista kasama ang GF nitong si Georgina Wilson na dumalo sa screening ng indie film na Pintakasi produced by Gov. Imee Marcos na naging entry sa MMFF 2011 na tumatalakay sa hirap ng buhay sa isang parte ng Pilipinas na ang pangalan ay Isla Pulo. Madungis ang lugar, naglipana ang drugs, ang krimen at prostitusyon.
Si Borgy ang marketing head ng Pintakasi na mapapanood na sa mainstream ngayong February. May ilang international showing din ito at kalahok sa film festivals abroad. Dahil sa ganda ng pelikula na dinirek ni L. Reyes, kung saan kasama sa casts sina JM de Guzman, Cai Cortez, Kean Cipriano, William Martinez, Erich Gonzales, Boots Anson-Roa at John Wayne Sace.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleRichard Gutierrez, sabik nang sumabak sa drama!
Next articlePinoy Parazzi Vol 5 Issue 25 February 8 – 9, 2012 Out Now!

No posts to display