MARIAN SOMETHING’S camp denied na merong talk show na gagawin ang dyowa ni Dingdong Something kasama sina Regine Velasquez at Ai-Ai delas Alas.
Parang ang lumalabas tuloy ay sinungaling ang nagpakalat ng chikang meron silang pagsasamahang show na tatlo.
Actually, matagal na naming narinig na merong ngang nilulutong show ang Siyete para kina Regine, Marian at Ai-Ai.
Ngayong nag-deny ang kampo ni Marianita, ano kaya ang magiging feeling nina Ai Ai at Regine? Parang inaayawan silang makasama ni Marianita, ganoon ang dating nito sa amin.
Anyway, baka naman ayaw na talagang magtrabaho ni Marian dahil nga buntis siya. Eh, paano naman mababawi ng Siyete ang ibinabayad sa kanya kung ganyang pati talk show ay parang ayaw niyang gawin?
Ang alam namin ay guaranteed contract ang pinirmahang kontrata ni Marianita, so ke meron at walang trabaho ay bayad siya.
BUKAS, MAY 14 na ang grand finals ng Asia’s Got Talent, kung saan apat na Pinoy ang masuwerteng nakapasok – ang shadow play na El Gamma Penumbra, classical singer Gerphil Flores, dance group Junior New System, and young singer Gwyneth Dorado.
Walang itulak-kaibigin sa apat, lahat sila magagaling. Halos mapaiyak si Anggun sa galing ng El Gamma Penumbra sa grand finals act nito about environment. She was so touched and moved by their performance.
Si Gerphil naman na hinuhulaan naming mag-uuwi ng Asia’s Got Talent title ay sobrang galing. Standing ovation lahat ng performances niya especially the last one where she sang The Impossible Dream kung saan ibinirit niya ang last word ng song.
Vibrant and bubbly, Junior New System caught the judges by surprise nang mag-high heels sila sa semi finals. Kabog nila talaga ang ibang dancers, hataw kung sumayaw.
Gwyneth, at ten, showed great promise as a singer. Bilib na bilib din sa kanya ang lahat ng judges.
Sana’y isang Pinoy ang makakuha ng Asia’s Got Talent. Kahit sino sa apat ay deserving ng title.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas