HOW TRUE kaya ang balitang tinanggihan ni Marian Rivera na makasama sa pelikula si Judy Ann Santos na intended sana for Metro Manila Film Festival under Regal Films at sa bibig daw mismo ni Mother Lily Monteverde ito galing.
Kaya naman daw malaking-malaki ang tampo ni Mother Lily kay Marian, dahil nga ang Marian-Judy Ann movie sana ang gusto nitong maging entry ng Regal sa taunang MMFF. Kaya lang ay hindi na ito natuloy dahil daw tumanggi si Marian.
At kahit nga raw saka-sakaling magbago ng isip si Marian at gusto na nitong gawin ang pelikulang pagsasamahan nila ng mahusay at award-winning actress, malabo na ring mangyari dahil na-anounce na ang walong pelikulang mapapanood sa Metro Manila Film Festival ngayong December.
Kaya naman ang ending, walang entry ngayong taon sa MMFF ang Regal Films dahil pahinga ngayong taon ng Shake, Rattle & Roll na taun-taon ay entry ng kumpanya ni Madera sa nasabing film festival.
PANIGURADONG MAGDIRIWANG at magsasaya ang Filipino fans ni Taylor Lautner or mas kilala bilang si Jacob ng Twilight Saga, dahil ito ang pinakabagong Endorser ng Bench. Tumungo pa ng Los Angeles, California ang Bench CEO and owner na si Mr. Ben Chan kasama ang Bench Team para i-welcome ito bilang bagong endorser ng Bench.
Ang campaign ay kinunan sa LA ng sikat na photographer, videographer and director Anthony Mandler (who has worked with artists like Rihanna, David Beckham, Beyonce, Usher, Shakira, Taylor Swift, Nicki Minaj, and Justin Bieber). Taylor was styled by Samantha McMillen (included in The Hollywood Reporter’s list of 25 Most Powerful Stylists List).
Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Taylor Lautner na kumita over one billion dollars sa box office, mula sa Cheaper by the Dozen 2, The Adventures of Sharkboy and Lava Girl, at the John Singleton thriller, Abduction. Pero mas nakilala si Lautner sa pagganap bilang si Jacob Black sa record-breaking global phenomenon The Twilight Saga franchise base mula sa novela ni Stephenie Meyer.
SA POSITIBONG feedback na nakukuha nito sa magaling na pagganap sa Du-gong Buhay ay isa na nga si Arjo Atayde sa mahusay na young actor sa bansa. Kaya naman ‘di malabong makamit ito ang kasikatan kung magtutuluy-tuloy ang pagdating ng magagandang proyekto nito.
At ang kahusayan nito sa pag-arte ay marahil minana niya sa kanyang award-winning actress mom na si Ms. Sylvia Sanchez na hindi na matatawaran ang galing sa pagganap at kung ilang award na rin bilang mahusay na aktres ang nasungkit nito sa iba’t ibang award-giving bodies.
At ang payo nga ni Ms. Sylvia sa kanyang anak na si Arjo ay ‘wag itong magbabago kapag sumikat ito. Lagi nga raw nitong ipinaaalala sa anak na laging maging humble at matutong bumati sa kanyang mga nakakatrabaho, bata man o matanda, at maging sa kanyang mga tagahanga na sinusunod naman daw ni Arjo na isa sa marespeto, mabait at palabating baguhang actor sa showbiz.
John’s Point
by John Fontanilla