NOON PA man, pilit na pinaghihiwalay ang magandang pagsasama nina Marian Rivera at Dingdong Dantes. Naririyan na inili-link ang dalaga sa ibang leading man niya and vise versa gayong wala naman talagang pruweba.
Paulit-ulit na lang na alam mo may naninira o tao behind the smear campaign para buwagin ang pagsasama nina Yan at Dong at higit sa lahat ay sirain ang reputasyon at pagkatao ng dalaga.
Kung sino naman kasi ang oks ang relasyon sa showbiz, pilit na pinaghihwalay. ‘Yong wala naman at hindi totoo, pilit na pinasasama. Kaya nga parang hilong-talilong din ang mga artista kung ang mga balita at kaganapan sa showbiz ay susundan nila.
Sa kaso nina Dingdong at Marian, tila kasal na lang ang kailangan. ‘Di nga ba’t nitong huli nilang biyahe sa Luang Prabang, Laos (I love the place and have been there twice) also known as The Land of the Million Elephants, may isang traditional Lao Buddhist ceremony na ginagawa o isinasagawa para sa mga parehong tao na nagmamahalan na pina-practice ng Theravada Buddhist which comprises almost 98% of the country’s population.
In short pag-iisang dibdib ‘yong seremonyas na isinasagawa na parang “kasal” . Sa katunayan, kung ano ang traditional church wedding natin na kapag nagpapakasal sa simbahan, almost the same procedure. May kandila, mga mga cord or tali at aras na ginagamit at offerings at may sarili din silang interpretasyon ng pagko-communion. Sa madaling salita, same din lang na ang seremonyas na isinagawa for both of them was officiated by a spiritual head or adviser (na sa ating mga Katoliko ay ang pari natin sa simbahan).
Sa puso nila at isipin, alam nilang pinag-isang dibdib na sila. Papel omarriage contract na lang at seremonyas ng “kasal” sa simbahan na lang ang kulang para masabing mag-asawa na ang dalawa.
Pero kung titingnan natin ang realidad, hindi na mga bata sina Yan at Dong. Si Marian may sariling bahay sa Makati while ang binata nakatira sa Quezon City sa sarili niyang haybols. Si Dong dumadalaw regularly sa dalaga sa haybols niya at baka nga du’n pa nag-o-overnight si Dong or spends his weeend with his “love”.
Ang balita ko nagli-live-in na ang dalawa, “nagpakasal” sila sa Laos sa isang Buddhist ceremony. Sagot ni Marian sa isang panayam recently, “I’m not a 12 years old and have been living alone since college.” Na tama lang at walang masama kung sakali mang totoo. At least, kung sakaling mapaso man sila at maghiwalay, madali ang hiwalayan at hindi magastos at no annulment needed?
Reyted K
By RK VillaCorta