DAHIL LANG SA tanong hinggil sa kung anong puwedeng maging Christmas gift niya kay Rhian Ramos, talagang sukdol hanggang langit nga raw ang pagkapika at panggigigil ni Marian Rivera sa babaeng correspondent ng isang showbiz-oriented show. And although nataray-tarayan na niya ito nang mapika nga sa nasabing naging tanong ng huli sa kanya, parang it isn’t enough for her to calm down and forget the said incident.
Gano’n pa rin daw ang panggagalaiti nitong si Marian nang magkita na naman sila sa SOP ng nasabing girl from a showbiz-oriented show. Talagang tinandaan pala ni Marian ito. So no’ng nag-krus ang landas nila ulit, kumukulu-kulo ulit ang dugo ng aktres at nag-uumusok nga raw sa galit.
Kulang na nga lang daw ay sugurin niya ang nasabing taga-interview para sa isang showbiz-oriented talk show at sampal-sampalin ito. Yes! Kung hindi lang daw nagpipigil itong si Marian, masasampal-sampal umano talaga niya ito.
Naloloka naman ang mga saksi sa gano’ng asal ni Marian. Dahil lang sa isang tanong na kung anong Pamasko niya kay Rhian, mananampal siya ng taong ginagawa lang naman ang trabaho na magtanong during interviews?
Assuming na hindi dapat na ura-uradang tungkol kay Rhian ang tanong, pero dahilan ba iyon for Marian para manggalaiti na sa galit? Abut-abot na nga raw ang pagsu-sorry ng nasabing girl kay Marian. Pero hindi pa rin nito mapaghupa ang pagngingitngit ng aktres.
Bakit nga ba gano’n ka-sensitive si Marian kapag si Rhian ang napag-uusapan? Senyales kayang totoong selos na selos talaga siya sa dalaga?
Well… tapos na ang Stairway To Heaven na pinagtambalan nina Rhian at Dingdong. At ang susunod na seryeng gagawin ni Marian ay ang aktor ulit ang leading man niya.
Matuldukan na nga kaya nito ang iringang Marian-Rhian?
Abangan!
BLIND ITEM: KAWAWA naman pala ang katayuan ng isang sikat na sikat na child actor ngayon. Kapalit ng kasikatan at pagginhawa na ng pamumuhay niya ay ang napakabigat na responsibilidad na sapilitang pinapasan niya ngayon.
Laki sa hirap ang child actor na ito. Produkto ng isang broken family. Kasi musmos pa siya nang maghiwalay ang kanyang mga magulang. Naiwan silang magkakapatid sa poder ng kanyang ina. Samantalang ang kanyang ama, nagkaroon ng pangalawang asawa.
Mula sa probinsiya, lumuwas ng Maynila ang child actor kasama ang ina at kapatid para makipagsapalaran. May ambisyon kasing mag-artista ito kaya naisipang mag-audition at magsasali sa kung anu-anong pambatang talent search.
Hanggang na-discover siya at nabigyan nga ng break sa telebisyon. Ngayon, sikat na sikat na siya at kumikita na nang malaki. Sa murang edad, siya na ang bumubuhay sa kanyang ina at mga kapatid na ikinainggit naman ng tatay ng child actor. Puwede raw bang ang nanay lang ng bata ang makinabang sa magandang buhay nito ngayon, eh, anak din daw niya ang child actor?
Ang ginawa ng tatay ng child actor, nag-resign sa trabaho. Nagpakupkop na rin ito sa child actor kasama ang pangalawang asawa at iniasa na rin ang lahat sa musmos na anak.
Hindi naman makareklamo ang kawawang child actor. And since pakiramdam niya’y wala naman siyang choice, kayod-kalabaw ito ngayon sa pagtatrabaho habang ang kanyang mga magulang ay parang mga pensiyonadong sinusustentuhan niya ng lahat ng pangangailangan ng mga ito.
Tsk… tsk… tsk!
May kunek ang pangalan niya sa isang pulitiko at isang game show host. Gets n’yo na kung sino siya?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan