KUNG MABIBIGYAN ng pagkakataon, gusto rin daw makasama ni Ervic Vijandre ang kanyang ex-girlfriend na si Marian Rivera sa isang TV project sa Kapuso Network.
Kasalukuyan kasing guest si Ervic sa seryeng Genesis ng GMA 7 na pinagbibidahan ng boyfriend ngayon ng ex-dyowa niya na si Dingdong Dantes.
Okey naman daw sila ni Dong. Civil, ‘ika nga. Nag-shake hands naman daw sila bago kunan ang kanilang mga eksena. Masaya raw siya para sa dalawa.
Actually, ngayon lang daw sila nagkakilala nang personal at nagkita. Matagal na naman daw silang hiwalay ni Marian, kaya wala na ‘yon.
Pero sana raw ay okey lang din daw kay Marian at Dingdong kung magkatrabaho rin siya ng aktres.
Samantala, baka mag-guest din pala si Ervic sa Kimmy Dora. Kino-convice siya ng friend niyang si Moi (P.A. ni Piolo Pascual) na kasama rin sa movie ni Eugene Domingo, kung saan producer nito si Papapi.
Hindi naman kinumpirma ni Ervic na bagong professional basketball player na rin ng koponang Rain or Shine sa PBA kung magkasintahan na sila ni 2013 Miss Universe 3rd runner-up Ariella aarida. Basta masaya raw sila ng beauty queen.
Nakarating na raw si Ervic sa tahanan nina Ariella sa Alaminos, Laguna at nakilala na niya ang mga magulang nito.
Nagulat kami nang malaman namin na may farm at resthouse pala ang family ni Ervic sa lugar ding ‘yon.
HINDI PA rin makapaniwala si Anne Curtis na nanalo siyang Best Female TV Host sa katatapos lang na 27th PMPC Star Awards for TV.
Hindi ini-expect ni Anne ang pagkapanalo, dahil nasa Bataan ito nang buong araw para sa isang shoot ng kanyang bagong TV commercial, kaya hindi ito nakadalo upang tanggapin nang personal ang award.
Gabing-gabi nang nakabalik ng Manila sina Anne at mga kasama nito.
Pagod na pagod at walang damit na naka-ready ang TV host-actress para gamitin sana sa naturang awards night kung sakaling umabot sila.
Nagka-text lang kami ni Anne at ipinaabot ang pasasalamat sa PMPC.
ISA PANG hindi akalain ang pagkapanalo ng award ay si Matteo Guidicelli bilang Best Actor sa Cinema One Originals Film Festival para sa pelikulang Saturday Night Chills along with his co-stars Joseph Marco and Rayver Cruz.
Proud sa natanggap na pagkilala ang leading man ni Andi Eigenmann sa teleseryeng Galema sa ABS-CBN na nangakong lalo pa n’yang pagbubutihan ang kanyang trabaho o ang pag-arte, maging sa TV o pelikula man.
Bukod sa kanyang pamilya at mga tagasuporta, pinasalamatan din ni Matteo ang kanyang haters o mga pumupuna sa kanya nang hindi maganda na nag-udyok sa kanya na ipakita ang kakayahan niya sa pag-arte.
Akala ni Matteo, sa larangan lang ng racing at triathlon mapapansin ang kanyang kakayahan, kaya malaki ang pasasalamat niya sa mga naniwala sa kanyang talento at naniniwala rin daw siyang dreams do come true.
MAPAPANOOD NGAYONG gabi at 9pm ang international singer na si David Pomeranz sa Bar 360 sa gitna ng casino area ng Resorts World Manila.
Dapat sana ay may show ang nagpasikat ng kantang “Got To Believe In Magic” sa Tacloban City nitong nakaraang Nov. 24, pero hindi na nga ito natuloy dahil sa trahedyang nangyari sa Visayas Region dulot nang super typhoon Yolanda last Nov. 8.
Pero minabuting pumunta pa rin ni David ng Manila para sa naturang show tonight upang makatulong sa mga biktima ng bagyo.
Ang portion ng mabebentang tickets ay ilalaan ni David at ng eTalent management ni Annabelle Regalado-Borja na siyang tumatayong manager niya rito sa Pilipinas.
May libreng drinks at album niya na “You’re The Inspiration”, under MCA Universal, ang mga bibili at manonood ng show niya.
Franz 2 U
by Francis Simeon