KAHIT NA nakasali na sa mga polls for FHM magazine dati ang GMA prime star na si Marian Rivera, ngayong buwan lang siya pumayag na mag-pose para sa cover pictorial ng nasabing magazine. At tiyak na ikatutuwa ito ng fans ni Marian na tampok sa 150th issue ng For Him Magazine (FHM) kung saan may caption itong ‘This is how a new world begins’.
Kuwento pa nga niya sa 24 Oras ng GMA, “Hindi madali na hindian ito kasi, noong una sabi nila sa akin, malaking issue ito, anniversary nila, tapos madaming konsepto sa loob na magaganda, tapos swak kasi ‘yung idea ko sa idea nila kaya hindi naging mahirap na patagalin pa. So, walang dahilan na hindi ako umuo.”
Nakita na rin daw ni Dingdong Dante sang kanyang mga picture at happy naman daw ito sa kinalabasan ng kanyang cover.
Hindi man todo sa kaseksihan ang ipinakita ng aktres, parang nang-aakit naman ang mga mata nito. Matatandaang naging number 1 si Marain among the 100 Sexiest Women of the World noong 2008.
MADALAS NAMING makasalubong si Alden Richards sa maraming events at napaka-friendly nito lalo na ‘pag maglambing kami ng interview.
Ngayong 2013, isa sa pinakamalaking project na kasama si Alden ay ang opening salvo ng GMA na Indio, na pinagbibidahan naman ni Senator Bong Revilla.
Next week naman ay nakatakdang gawaran ng ‘Model Star Award’ si Alden sa South Korea. Isa si Alden sa mga hinuhulaang magiging malaking pangalan pagdating sa pag-arte sa mga susunod na taon.
LUMABAS LAST Monday, January 7, 2012 sa Balitanghali, ang noontime newscast ng GMA NewsTV Channel 11 ang isang statement ng GMA tungkol pa rin sa lumalaking gusot between Sarah Lahbati at ng network.
Sa showbiz news portion ng Balitanghali, binasa ng segment host na si Luanne Dy ang statement ng GMA tungkol sa issue pa rin kay Sarah.
Nakasaad dito, “Nakakontrata ang actress sa GMA hanggang February 21, 2015. Walang provision sa leave of absence sa nasabing artist-management contract.
“Ang anumang leave ay kailangan munang mapagkasunduan ng Network at ni Sarah. Samakatuwid ang desisyon ni Sarah na mag-leave sa kabila ng hindi pagpayag ng Network ay malinaw na paglabag sa kanyang kontrata. At ang kanyang pahayag na pagpunta sa Switzerland na walang pagsang-ayon ng Network ay magsisilbi pang karagdagang paglabag dito.
“Sa kanyang mga tweet ay binanggit ni Sarah na umalis siya sa taping ng ‘Indio’ dahil sa kanyang scheduled guesting sa Eat Bulaga, ang top-rating noontime show ng GMA noong November 10, subalit hindi naging bahagi ng episode si Sarah noong November 10.
“Napanood po siya sa nasabing programa noong November 24. Dalawang linggo pagkatapos ng nasabing ‘walkout incident’. Nabanggit din sa kanyang tweet ang diumano’y referral ng ilang network executives sa ICONS management. Walang pahintulot ng network ang nasabing referral.
“At ang konkretong hakbang ng network sa isyung ito ay nagpapatunay lamang ng maagap na pag-action ng network sa mga reklamo o impormasyon na ipinaparating dito.
“Ikininalulungkot ng network ang insidenteng ito kay Sarah lalo pa’t malaki na ang naging investment ng network sa actress na itinuturing na isa sa priority star ng GMA.”
Sure na ‘to
By Arniel Serato