MUKHANG HINDI naman kagandahan ang first indie film ni Vilma Something.
Kung maganda kasi ang pagkakagawa nito ay bakit inisnab ito sa 66th Cannes International Film Festival?
Nakakatawa ang hype ng Vilmanian reporters sa movie. Sobrang bilib na bilib sila sa movie, ayan tuloy ang napala, nabutata sa prestihiyosong festival.
Actually, natalbugan pa ang movie ni Vilma ng dalawang Pinoy films na pumasok sa Un Certain Regard section ng Cannes – ang Death March ni Adolfo Alix, Jr. at ang Norte, Hangganan Ng Kasaysayan na obra ni Lav Diaz.
Ambisyon nang matagal ni Vima na makapasok sa Cannes pero hindi yata ito mangyayari in her life time.
Now that na-prove nang hindi pala Cannes-worthy ang pelikula ni Vilma Something ay dapat nang manahimik ang defenders niya.
Gaya-gaya kasi itong si Vilma kay Nora Aunor. Nang gumawa si Ate Guy ay bigla rin siyang nagkaroon ng time para gumawa ng first indie film niya. Ang problema kasi, malayung-malayo ang Thy Womb ni Ate Guy sa Ekstra ni Vilma.
Isa pa, hindi ba parang demotion ang nangyari kay Vilma Something. Imagine, me-ron na siyang title sa showbiz tapos ginawa pa siyang ekstra lang. How outrageously funny, right?
MANY WERE shocked to learn na sinasabing may offer daw na P120 million kay Marian Something ang TV5.
One follower sa Facebook said that how can there be an offer when her contract with GMA-7 will expire pa sa 2015.
“Tanga at bobo lang maniniwala n’yan, 2015 pa mag expire ang contract nya sa gmew, palibhasa ginagamit ang issue na yan para maka gawa ng ingay dahil urong na naman ang movie hahaha, 5 years po ang pinirmahan ni marianing in which she singed last 2010 for another 5 years extension, so meron pa po syang natitirang 2 years na magtatapos pa sa 2015,” sabi ng isang guy.
Ang feeling naman ng isa ay pinalulutang lang na parang pinag-aagawan lang si Marian ng mga network para palabasing hot property pa rin siya when in fact ay palaos na siya.
“C mariantot pinag aagawan mga bobong kanguso LNG ang naniniwala jn wag kaming matatalinong Kapamilya bigstar ba yan takot at urong sulong ang movie n nangangamoy amag n ang movie nia sa inyo n mga kanguso c mariantot nganga workshop muna CIA bgo CIA tawaging bigstar naiyak kc alang luha,” someone posted.
Ang advice naman ng isang guy ay “Magstay nalang sya sa gmaeeww.. Kung lilipat sya sa tv5 lalo lang lalamya ang karir nya at kung lilipat sya sa kapamilya masasapawan lang sya ng mga artista don dahil sobrang gagaling at sikat ng mga abs cbn stars.”
Another one felt the same.
“Ok kna sa gmeww marianita kc cla lng ang nkkaunawa sa pagka palengkera m0. wag kna sa abs kuntinto n kami sa mga artista d0’n… o d kaya sa tv5 knlang!!!”
SINAGOT NA ni Grace Poe ang intrigang may away sila ni Lovi Poe dahil hindi siya sinusuportahan nito sa kanyang pagtakbo bilang senator.
“Ay, hindi! ‘Di ba I’ve always been upfront about this. Parang doble ang edad ko kay Lovi, ‘di ba? Hindi naman kami close sa isa’t isa bagama’t ‘pag nakikita kami she’s very warm and I am also,” paliwanag ni Grace.
Sabi ni Grace, wala sa plano niyang isama ang kanyang kapatid sa kanyang kampanya dahil baka isipin ng mga tao na ginagamit niya ito.
“Hindi ko binalak na isama siya sa kampan-ya sapagkat baka sasabihin ng tao na ginaga-mit ko naman siya masyado, ‘di ba? Ngayon biglang kasama ko siya palagi so wala akong sinasabi,” paliwanag pa ni Grace.
But there’s one instance na sobrang na-touch siya sa gesture ni Lovi.
“Na-touch ako kasi sa umpisa pa lang ay sinabi niya na, ‘Ate Grace I support you’. Sa Twitter lang naman kami nagsasagutan pero ang totoo naman no’n ay nagtatanong na siya. ‘How can I help? I want to go around with you’. Sabi ko, sa bandang huli siguro, kasi sa totoo lang ay hindi naman tayo basta-bastang kumukuha ng mga kaibigan natin para mag-ikot dahil hindi katulad ng Mama ko na nagpa-palengke tour. Ako kasi bihira naman ang gano’n. Sa bandang dulo na siguro siya ng kampanya.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas