HINDI IKINAILA ni Alden Richards na kinilig siya matapos ang kissing scene nila ni Marian Rivera.
“Sobrang kilig to the bone po talaga ang naramdaman ko matapos ang kissing scene namin ni Yan (tawag kay Marian Rivera). Kinunan ang kissing scene namin para gamitin sa MTV ng serye naming Carmela,” pag-amin ni Alden.
Hindi pa raw kasi siya nag-aartista ay napapanood na niya si Marian sa TV, kaya hindi raw siya makapaniwala na kasama na niya ito at siya pa ang leading man.
Kaya nang magkita raw sila nang personal ni Marian, personal siyang nagpasalamat sa actress dahil siya ang pinili ni Yan na maging partner sa Carmela.
Samantalang sinagot naman ni Marian ang mga intrigang ibinabato sa kanya, tulad ng nagpapabata raw siya para magmukhang magkasing-edad sila ni Alden Richard?
“Hindi ako nagpapabata dahil matanda talaga ako kay Alden sa story. Saka ang Carmela ay hindi basta lamang sa love story, sa kissing scene nila ni Yago (Alden), but story po ito ng family, family namin ni Alden dahil pareho naming mahal ang aming mga pamilya.
“Masasabi kong si Carmela at ako ay iisa dahil si Carmela ay mapagmahal lalo na sa mga taong mahal siya. Mapagmahal din siya sa mga batang palaboy na walang magulang, iniuuwi niya sa kanilang bahay ng kinalakihan niyang lola, kaya naging parang ampunan na ang bahay nila,” say ni Marian.
Ano naman ang masasabi niya na gagawin ni Anne Curtis ang Dyesebel?
“Kahit naman sino puwedeng gumanap na Dyesebel, puwede ring Darna, puwede ring Marimar,” nakangiting pahayag ni Marian. “In fairness naman kay Anne sa tuwing magkikita kami binabati niya ako. Nagkasama na kami sa pictorial ng Rouge magazine at naging masaya ang samahan namin doon.”
Mayroon bang artista na hindi siya binabati kapag nagkikita sila? Natawa si Marian at sinabi na may isa raw artista na hindi talaga siya binabati kapag nagkikita sila.
Pero kahit anong pilit ng press kung sino ang nasabing actress, ayaw ibulgar ni Marian ang pangalan ng actress. Ang mahalaga ay masaya raw siya ngayon sa pagpasok ng taong 2014.
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo