NAGMAGANDA NA NAMAN pala itong si Marian Rivera noong nasa Japan siya recently.
Ang tsika sa amin, ipinahiya raw ng aktres ang isang matandang fan niya. Nagkamali kasi ito sa pagbibigay ng magazine na pag-aari nito.
Pumila raw ang matanda para magpa-autograph ng magazine. Ang kaso, nang ibigay niya ang magazine ay sina Dingdong Dantes at Rhian Ramos ang nasa cover. Bigla raw nag-init ang ulo ni Marian at sa halip na pirmahan ang mag ay bigla raw niya itong itinapon sa kanyang likuran. Napahiya ang matandang babaeng fan sa inasal ni Marian. Hiyang-hiya raw ito lalo pa’t siya ang publisher ng magazine.
Bago pa man magpapirma ang matandang tagahanga, may nauna na sa pila na nagpapirma rin ng magazine. Sinabihan na raw si Marianita ng taga-production na ang susunod ng magpapapirma ay ang publisher ng magazine.
True ba ito Darna, este, Marianita?
MASAMA ANG LOOB ng three-term Quezon City Councilor Aiko Melendez sa diumano’y biro na pinakawalan ni Vice Mayor Herbert “Bistek” Bautista.
Sa interview namin kay Councilor Aiko, inamin nitong na-hurt siya sa binitawang salita ni Bistek.
“Masama ang loob ko kay vice-mayor Herbert Bautista kasi hindi ko ini-expect na makakarinig ako ng masakit na salita mula sa isang tao na kasama sa industry and then he did it pa na maraming nakarinig. Ako naman, hindi ako magsasalita kung hindi mo ako kakantiin. Hindi naman ako dirty politician,” kuwento ni Aiko.
“He said that I was tamad and wala daw akong proyektong naibaba,” sagot niya nang tanungin namin kung ano ang biro sa kanya ni Bistek.
“I was able to do a lot of projects in my district. My district is the biggest in the Philipines. It’s supported by documents. Sinasabi niya kasi, biro lang daw ‘yon. Jokes sometimes are half-meant. Ang masakit lang, pareho kami ni Councilor Lala Sotto na pinaringgan niya.”
Almost pleadingly, Aiko said, “Sandali lang, preno ka naman. Ako alam ko ang limitations ng joke. Alam ko ang nakakatawa sa akin at sa ibang tao. We’ve worked together for nine years. Hindi siya ang kalaban ko.” Dagdag ng aktres.
“Wala silang maririnig sa akin na paninira. Pero ‘pag pinitik nila ako… sabi ko nga, ang aspeto sa buhay ko na hindi ko napagtagumpayan na magampanan ay ang love life. But when it comes to public service, ‘pag pinitik mo ako d’yan, aalma ako kasi alam ko ang naabot ko ng nine years, tapos ako ng tatlong termino (as councilor).”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas