THEIR SMORGASBORD FILM remake already got shown and made money (despite the not so favourable reviews, in short, pangit!), all right. Yet the post-showing issue on the movie’s least impressive cast members Marian Rivera and Heart Evangelista (dahil kinabog daw sila ni Lovi Poe at Solenn Heussaff) swings like a pendulum.
Not so fresh from her Brazilian trip with real-life boyfriend Daniel Matsunaga, it was Heart’s turn to vent her side.
Marami sa mga ipinahayag noon ng emosyonal na si Marian sa presscon ng kanilang pelikula ang kanyang pinasinungalingan. But the most explosive of Heart’s assertions ay ang umano’y panunugod sa kanya ni Marian inside a dressing room during the filming, ini-lock ang pinto sabay pagbabanta umanong may masamang mangyayari kay Heart, isang tawag ng saklolo lang daw ni Marian sa kanyang mga tagahanga.
Why we are inclined to describe this latest development like a swinging pendulum ay sa dahilang initially, Marian had incurred public sympathy lalo’t ang lumabas na kontrabida sa kuwento ay ang umano’y malditang ina ni Heart who allegedly inflicted verbal abuse on Marian at the Laoag airport.
Pero kung totoo man ang alegasyon ni Heart sa naging kumprontasyon nila ni Marian the way she has recently fed the media with her two lawyers, she should have addressed the issue bago pa man siya lumipad patungong Brazil. Sadly for Heart, naunahan siya ni Marian with her lachrymal attack to the issue — whether or not isang acting piece lang ang ipinamalas ng nobya ni Dingdong Dantes.
Mas pinaniniwalaan man namin ang bersiyon ni Heart, with the non-judgmental belief na may kakayahan ngang maging violently confrontational si Marian (ginawa na niya ito noon kay Bela Padilla, why couldn’t Marian do it again to other stars of lesser stature? After all, she is a much bigger star than Heart), pero kumbaga sa dalawang taong nasaktan ay mas malakas ang ating pandinig sa unang umaray.
Tama rin lang ang ipinadalang text message ng manager ni Marian, si Popoy Caritativo who has earned the distinction of being anti-press, na huwag nang pagsalitain pa ang kanyang alaga as she has already said her piece.
BLIND ITEM: “WHY is she such a bitch?!” Ito ang naibulalas ng isang TV director nang ikuwento sa kanya ang tungkol sa pagpapamalas na naman ng kawalan ng breeding ng isang sikat na aktres kamakailan.
Naganap ang pangyayari sa isang malayu-layong probinsiya in Northern Luzon, sa taping ‘yon ng tinatampukang teleserye ng aktres.
Madaling-araw na nu’n, pero subsob pa rin sa magdamagang trabaho ang buong produksiyon. Pero may isang matabang make-up artist ang tila nababagot sa kawalan niya ng inaayusan ng mga oras na ‘yon. Para maalis ang kanyang pagkaburyong, inaliw na lang niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagkanta nang a capella.
Isang sikat na Cyndi Lauper song ang binanatan niya, na may ganitong lyrics… “I see your true colors shine…” Eksaktong habang may diin sa mga salitang “true colors” ay siya namang pagdaan ng aktres. Ano nga naman ang vernacular equivalent ng mga salitang kanyang narinig kundi “tunay na kulay”?
Duda tuloy ng aktres, siya ang pinatatamaan ng make-up artist dahil tinaon pa raw nitong papadaan siya sa silid na kinaroroonan nito. Hindi naman bothered ang bading dahil sa kanyang puso ay kumanta lang naman siya, walang halong ma-lisya ang mga lyrics na ‘yon.
Ilang sandali, laking gulat na lang daw ng bading nang ipinasusundo na raw siya ng isang production staff, kailangan na raw niyang lumuwas pabalik ng Maynila pero may service naman. That very minute!
Malinaw na isang power-tripping ang inasal ng sikat ng aktres na ‘yon, pero sana, not at the expense of a lowly, if not underpaid worker na maaaring nagpapakain ng maraming bibig sa kanilang tahanan, o nagpapaaral ng mga pamangkin, o tumutustos sa mga gamot ng kanyang mga magulang.
Inalisan ng aktres na ‘yon ang bading ng kanyang right to decent means of survival, habang siya’y nagpapasasa sa ipinahiram lang namang katanyagan na tiyak babawiin dahil sa kawalan niya ng makataong pag-uugali!
Hindi man natatagpuan ang katotohanang ito sa mga history book, but the Bible says it.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III