BIRTHDAY NI Marian Rivera sa August 12. Pero hindi pa niya masabi kung paano niya ito isi-celebrate dahil pinaplano pa lang daw. Isang birthday special episode din daw ang binubuo nila para sa dance show niyang Marian na napapanood tuwing Sabado ng gabi sa Kapuso Network.
“Siyempre espesyal ang araw na ‘yan, dapat special din ang mga guest ko,” sabay ngiti ulit niya.
Sa umereng episode ng Marian last Saturday, July 26, marami ang natuwa nang maging guest niya sina Bela Padilla at Sam Pinto. Nagkarooon kasi ng hidwaan sa pagitan nila before na talagang grabe ang mga naging issue at intriga sa kanila. Pero parang walang anumang nangyari. Masaya silang tatlo nina Bela at Sam sa pagsasama nilang ‘yon sa kanyang dance show. Ang kanyang mga detractors naman, sinasabing kaplastikan lang daw ito. Na hindi na gustong patulan pa ni Marian.
“Kung anuman ‘yong past e, kalimutan na natin. Mas masarap na maraming kakampi at nagmamahal sa ‘yo. Kesa… alam mo ‘yon? ‘Yong mga bagay na hindi maganda, kalimutan na ‘yon.”
Sino ang nag-invite para mag-guest sina Bela at Sam sa dance show niya?
“Ako mismo. Oo! Happy rin ako. Iyon ang importante. Happy ako na nag-guest sila sa show ko. Sabi ko nga… hindi lang sila pero lahat ng mga Kapuso star natin ay wini-welcome naman talaga sila sa show.”
Para sa birthday episode niya sa Marian, guest din daw siyempre ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes.
“Siyempre tulad ng sabi ko, espesyal ang araw na iyon sa akin kaya espesyal ang mga guest ko. At hindi mawawala si Dong do’n.”
Sasayaw si Dingdong?
“Sa ayaw at sa gusto niya!” natawang sabi ng Kapuso Primetime Queen. “Ayaw niyang sumayaw. Pero… pipilitin ko siyang sumayaw.”
Magbi-birthday din si Dingdong sa Sabado, August 2. Ano ang balak nila sa magkasunod na pagdiriwang nila ng kanilang kaarawan?
“Alam mo kapag iniisip ko kung ilang araw pa ang birthday ko, parang ang tagal pa. So, mas maganda siguro ‘yong biglaan!” sabay ngiti na naman niya ulit. “Isip ako. Isip ako. Hahaha! May naiisip na ako. Pero hindi ko pa nabubuo sa utak ko.”
Birthday gift niya para kay Dingdong?
“Magdu-donate ako sa mga nasalanta ng bagyo. Donation para sa school chairs na idu-donate niya. Ako rin, itutuloy ko ‘yong Adpt A Bangka project. Nasa second wave na ako at 500 families ang target naming matulungan.”
Wala na siyang material na planong iregalo kay Dingdong sa kaarawan nito?
“Alam mo, nagkataon lang na may mga material na may mga gusto. Pero ang importante ay ‘yong nandiyan kami para sa isa’t isa.Iyon ang pinakaimportante. Iyon ang pinakamaganda talagang regalo namin sa bawat isa.”
‘Yon na!
NATUTUWA SI Raymond Bagatsing na napasali siya sa cast ng indie film na Of Sinner Or Saints ng See Thru Productions. Kasama niya rito sina Polo Ravales, Richard Quan, Sue Prado, at ang baguhang indie actress na si Chanel Latorre.
Direktor ng nasabing pelikula ang Italian filmmaker pero may dugong Pinoy na si Ruben Maria Soriquez na artista rin sa proyektong ito. Malaki raw ang kaibahan ng estilo ng pagdidirek ni Ruben kung ikukumpara sa mga Pinoy directors na nakatrabaho ni Raymond.
“Niri-rehearse ‘yong mga importanteng eksena. Para pagdating do’n sa shoot, hindi ka na masyadong iintindihin ng director,” sabi nga ni Raymond.
“Bukod sa pagiging director ay actor din siya. Tapos siya rin ang scripwriter at producer pa siya. So, marami siyang sinusunod na responsibilities. Mahirap lang talaga.
“Pero hindi naman siya istrikto, e. Kasi nakita na niya sa audition, nakita na niya sa reading namin ang kakayahan ng bawat isa so nagbibigay na lang siya ng konting tips. Kumbaga kapag kinuha na niya, ibig sabihin perfect ko na for your part.”
Ganyan?
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan