Marian Rivera, lumabas na naman ang kagaspangan ng ugali

Marian-Rivera Marian-RiveraSURELY, KAIBIGANG Alex Brosas, you’ll throw a lavish banquet on this.

Music to your ears na naman kasi ang muling pagpapamalas ng kagaspangan ng ugali ng all-time favourite mong subject na si Marian Rivera, this time involving a TV reporter of an entertainment show.

Listen up, Alex. Ganoon na lang ang pagtataka ng pobreng female staff why she was at the receiving end ng pasigaw na pagtataray ni Marian ng, “Hindi na ako magpapa-interview sa ‘yo kahit kelan!”

The interview took place on the set ng soap ng aktres, kung saan simple at walang kamali-malisya ang tanong ng reporter habang nakaumang ang mikropono kay Marian: ano raw ang pakiramdam ni Marian na mas bata ang kanyang leading man, referring to Alden Richards?

Apparently, hindi yata naintindihan ni Marian ang tanong, kaya nagmagaling ang karay-karay niyang staff mula sa kanyang management office (na si Rams David, a former GMA employee) who repeated the question but took it out of context. Sabi nito, “Tinatanong ka, ‘Yan, kung hindi raw ba nagseselos si Dong kay Alden?”

Du’n na raw nagpanting ang tenga ni Marian, sabay sabing, “Hindi ako pumapatol sa bata, ‘no!” Obviously, she, too, failed to comprehend the question.

Shocked tuloy ang nag-iinterbyu who thought to herself na wala namang masama sa kanyang tanong. Para na lang maliwanagan ang nagpupuyos-sa-galit na aktres, the female staff approached the actress’s handler. Hindi pa rin daw siya nilubayan ni Marian who yelled, “Oy (to her handler), huwag mong kausapin ‘yan (staff)! Tandaan mo, hinding-hindi na ‘ko magpapa-interview sa  ‘yo!”

Fast track tayo sa live guesting ni Marian to promote her soap sa programang pinaglilingkuran ng staff. Karay-karay uli ng aktres ang nagsilbing “interpreter” niya na si Rams sa naunang engkuwentro. “Nasaan si (pangalan ng female reporter)?” tanong nito.

Nagkataong on leave ang staff. “Naka-leave o nagtatago?” hirit ni Rams. Isang co-staff who was within hearing distance ang sumagot, “Wala si (name of reporter), nasa Japan.”

Sagot naman ng nagmamaasim ding si Rams na na-imbibe na yata ang ugali ng kanyang  “amu-amuhan,” “Nagtatago sa Japan?” Sa puntong ito na lang naliwanagan si Rams when told, “Nagbabakasyon sa Japan.”

Pahiya tuloy si Marian at si Rams na may paka-condescending ang dating, just because isang ‘di hamak na TV reporter, eh can’t afford na to fly to an expensive country? Imagine, ang tinalak-talakan ng hitad ay nagbabakasyon lang naman sa Japan, bansang napuntahan na rin ni Marian para magbakasyon din kasama si Dingdong!

So, doesn’t that make Marian and the poor little girl on equal footing, aber?

Dayalog ni Marian nang malamang on vacation ang reporter, “Ah, pakisabi na lang na okey na ‘yun, wala na ‘yun,” referring to their encounter.

Fast forward tayo sa lamay ni Mang Gerry, ama ni Regine Velasquez, sa Plaridel, Bulacan. Sa ibang reporter in-assign ang pag-cover nu’n kung saan nagkataong dumalaw ang magnobyong Dingdong at Marian.

Bungad ng hitad sa reporter, “Ikaw ba ang mag-iinterview?” Tumango naman ang reporter, to which ang isinagot ng hitad ay, “Buti naman.”

So, ano’ng ibig sabihin ng linyang “Buti naman”? Buti naman at hindi ipinadala ng programa ang nakaengkuwentro niya? But what if the same female reporter showed up at the wake, makuha kayang tumalak-talak ni Marian sa lamay kesehodang hindi na niya iginalang ang patay?

Marami nang kuwento ng kaangasan si Marian ang nabalita, such stories of megalomania and sheer lack of GMRC which could pass for a book with thousands of pages.

Ang buong akala pa mandin namin, this woman had mellowed after she moved into a new management office. Obviously, iba lang ang namamahala sa kanyang career, but her undesirable manners are here to stay for all eternity!

Simple lang ‘yan, kung ayaw magpa-interview, eh ‘di huwag interbyuhin! Who stands to lose more?!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleMas importante ang career kaysa babae
Daniel Padilla, hindi priority si Kathryn Bernardo
Next articlePinoy Parazzi Vol 7 Issue 24 – February 12 – 13, 2014

No posts to display