“SOBRA PO akong honored and I feel blessed at nabigyan po ako ng opportunity na mag-pose para sa Ginebra San Miguel calendar sa ikalawang pagkakataon.” Ito ang namutawi sa bibig ni Marian Rivera, ang second time Ginebra San Miguel Calendar Girl. At ngayong 2014 nga at sa 180th anniversary ng flagship brand ng Ginebra San Miguel Inc. o GSMI, makikita ng mga kababayan natin ang sexy, class at magandang kalendaryo ni Marian na naka-two-piece na kinunan pa sa Boracay, Batangas at Palawan.
Dagdag pa ni Marian, “This time mas confident ako sa pagpo-pose ko para sa brand. Very proud din po ako, dahil very tastefully-done ang lahat ng mga lay-out.”
Unang nag-pose si Marian sa GSM noong 2009 at muling kinuha ito ngayong 2014. At kung noong una ay sexy na ang mga litrato ni Marian sa kalendaryo, ngayong 2014 GSM calendar ay doble ang pagka-seksi ng mga picture nito sa kalendaryo.
Ayon nga sa GSMI vice-president at marketing manager na si Mr. Nelson Elises, “Napakalaking star po si Marian at gusto po naming i-celebrate ang aming 180thanniversary in a big way and with a bang.”
“She exudes the sensuality and confidence ng ideal na Ginebra Calendar Girl at napakaligaya po namin to have her on board bilang calendar girl namin for the second time,” pagtatapos ni Mr. Elises.
FINALLY, MAY Philippine screening na ang Death March na naipalabas sa iba’t ibang international film festivals gaya ng Cannes sa France, Busan sa South Korea at sa iba. Ito ay gaganapin sa Martes, November 19 sa Trinoma bilang bahagi ng Cinema One Festivities. Kaya nakatakdang dumating ang actor/producer na si Jacky Woo para dumalo sa event na ito.
Bukod diyan ay may mga tapings siya for Bubble Gang at guestings sa Sunday All Stars. Kinokonsider din niya ang alok na maging parte ng Sugo, isang malaking film project ng Iglesia Ni Cristo na nasa planning stage na. Kaya asahan ninyo na mapanood siya sa malaking historical film ng INC.
MAMUMUDMOD NG limpak-limpak na salapi si Mr. Aga Muhlach sa ating mga kababayan through his top-rating show Let’s Ask Pilipinas na napapanood every Monday to Friday ng 7-7:30 pm sa TV5.
Almost P500,000 ang puwedeng mapanalunan ng magiging contestants, kaya naman magiging merry ang kanilang Christmas at magiging prosperous ang kanilang New Year kapag napanalunan nila ang nasabing halaga.
Bukod pa sa malaking salaping mapananalunan, marami ring naaaliw at sumasabay sa dance moves ni Aga Muhlach na napapanood sa said show. Kaya naman makisayaw na kay Aga at manalo ng limpak na limpak na salapi sa Let’s Ask Pilipinas.
John’s Point
by John Fontanilla