MARIAN SOMETHING reportedly displayed her kasupladahan anew. A blogger was making kuwento about Marian’s latest shenanigans.
Nang matapos na raw ang presscon for her latest endorsement, the staff of the product she was endorsing came to her for a photo op. Siyempre pa, excited sila na makapagpa-picture with Marian.
Initially, game na game daw na nagpa-picture si Marian until makikita mo raw sa mukha nito na hindi na niya feel na magpakuha ng picture. Napansin ito ng isang staff ng product na ini-endorse ng dyowa ni Dingdong Something.
“Akala yata niya hindi ako staff kaya ganoon na lang siya magsuplada,” say raw ng isang girl staff.
We felt na baka nawala lang sa mood si Marian dahil buntis nga siya. Alam n’yo naman ang mga preggy mabilis mag-switch ng emotion. Unawain n’yo na lang si Marianita, ‘no!
NAPANOOD NAMIN ang critically-acclaimed film na Edna at deserve na deserve nito ang Grade A evaluation from the Cinema Evaluation Board.
Nagningning si Ronnie Lazaro bilang first time director at si Irma Adlawan bilang OFW na halos mabaliw sa natuklasan niya nang bumalik siya sa ‘Pinas.
Napakagaling ni Irma bilang Edna lalo na roon sa breakdown scenes niya. Mahirap talunin ang kanyang ipinakitang acting sa movie. Lahat sa kanya ay umaarte – mata, kilay, kamay, lahat!!!
Nagsimula ang kanyang predicament nang mabuking niyang naging pasugalan na ang kanilang bahay, hindi nakatapos ng pagdo-doktor ang anak niya, ang daughter niya, may karelasyong pari, ‘yung husband niya ay gay. Irma displayed a gamut of emotions and sobrang galing niya.
As a first time director, Ronnie already displayed his mastery. His camera angles are almost perfect. His black and white take on some scenes is a work of a genius. His cinematographer is the best.
Walang tapon sa Edna, from the script to acting ay almost perfect. Even the support cast is very good.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas