MUKHANG ISA NA namang serye ng damage control ang isasagawa ni Popoy Caritativo to safeguard his business interests as manager to Marian Rivera.
Ang pinakahuli kasing intriga sa aktres, may dose-anyos na batang tinabig umano niya, bagay na hindi mapaniwalaan ng rumored boyfriend nitong si Dingdong Dantes.
Pero kung ang co-star ni Marian sa kanyang telefantasya (name withheld) ang tatanungin, hindi raw ito magtataka kung may tinge of truth ang balita lalo’t indirectly ay napapansin nito ang mismong pagsusuplada ng aktres sa set.
Hindi kasi kasimpalad ng aking source si Mark Anthony Fernandez, ang leading man mismo ni Marian na nakararanas ng pandededma sa aktres. May isang pagkakataon na nasaksihan mismo ng aking source: nang dumating daw sa set si Mark, agad itong bumeso kay Marian. Ngunit sa halip na i-acknowledge daw ‘yon ng aktres, parang walang dumampi sa kanyang pisngi, naglakad ito papalayo at iniwan ang aktor with a dropped jaw.
Simple lang daw ang dahilan ng ganu’ng pag-uugali ni Marian towards Mark: since the beginning naman daw ay labag sa kanyang kalooban na maging love interest ito sa teleserye, dahil nais pa rin niyang makatambal si Dingdong.
If true, dapat isipin ni Marian na ang ginawa niyang pagtanggap sa proyektong ‘yon ay bilang paglunok na rin (hindi lang ng makapangyarihang bato) sa pagkatao ng kanyang mga katrabaho na dapat iginagalang.
Matatandaan na nalagay na minsan si Marian in the eye of bad publicity. Ipinagkatiwala ng GMA Artist Center kay Lolit Solis ang pag-iimbita sa ilang reporter to undo the damage that Marian had caused upon herself.
With yet another negative, believable bit of news, looks like the soap heroine’s powers are no match to the press this time around.
INAMIN NI ANNE Curtis na sa ilan niyang mga gamit na idinoneyt para sa Shop & Share project na binuo ni Angel Locsin, the hardest to part with were her Tiffany necklace and Chanel bag.
Obviously, merong sentimental value ang mga items na ‘yon aside from their price so dear. Pero hindi na ‘yon ang mahalaga kay Anne, sapat na ang layunin ng naturang proyekto in partnership with eBay for the Philippine National Red Cross to help rebuild the lives of the Ondoy and Pepeng victims.
Isang tawag lang daw ni Angel ay agad um-oo ang aktres to pitch in her help. Speaking of Angel, ang kanya namang ibinahagi ay millions-worth of Prada, Hermes and Louis Vuitton bags.
“Expensive nga sila, pero in my case, hindi ko naman ginagamit ‘yon nang sabay-sabay so I might as well donate them for a cause,” sey ni Angel na minsan ding tumungo sa Mindanao para pumagitna in the name of peace, such an act of goodwill na hindi nalaman ng press kundi pa ito nabuko sa isang ABS-CBN presscon months ago.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III