INGAT NA INGAT si Dingdong Dantes na sagutin ang isyu nila ni Rhian Ramos na lalo raw silang naging close sa taping ng Stairway to Heaven.
Nagkuwento naman kasi itong Rhian na nu’ng nakaraang birthday raw niya, sinorpresa siya ni Dingdong sa set ng Stairway ng paborito niyang cake na chocolate oatmeal.
Nagulat daw siya kung paano nalaman ni Dingdong na iyun ang paborito niya.
Sey naman ng aktor, sorpresa raw nila iyun kay Rhian kasama ang buong staff ng Stairway.
Siyempre, maingat siya sa ganu’n at baka mag-react si Marian Rivera, ‘di ba?
Pero ilang beses namang sinasabi ni Dingdong na wala namang dapat ipagselos si Marian.
Naintindihan naman siguro iyon ni Marian dahil siyempre si Rhian ngayon ang ka-loveteam ng aktor at dramatic love story pa naman ang project nila.
Doon pa naman sa Stairway, sobrang in love sila sa isa’t-isa kaya parang ganu’n talaga ang pino-project nina Dingdong at Rhian sa primetime series na iyon.
Sabi naman ni Rhian, hindi naman daw siya ang tipong nangunguha ng hindi sa kanya. Hindi naman daw siya mang-aagaw in other words.
Nakakaloka nga, dahil dati kapag ini-interview si Dingdong, pawang tungkol kay Marian ang mga tanong. Pero ngayon, si Rhian na ang pinag-uusapan sa kanya. Ibig sabihin, nagki-click na ang tambalan nilang dalawa. Nakikita naman sa Stairway na may chemistry na sila at lalo na ngang tumataas ang rating nito.
SAMANTALA, NAPAPANSIN NAMAN sa set ng Darna na hindi naman ganu’n ka-close sina Marian at Mark Anthony Fernandez.
Kahit nga raw sa kissing scene nila, parang ilang na ilang sila sa isa’t isa. Pero naghi-hit naman kasi ang Darna kahit walang romantic angle ang kanilang tambalan.
Pero tsika ng ibang nakasaksi sa taping ng Darna, hindi raw ganu’n ka-close ang dalawa. Parang naiilang pa raw iyan si Mark kapag dumarating sa set at bumabati kay Marian. “Ma’am” pa raw ang tawag ni Mark kay Marian. Kapag wala silang take, hindi na raw sila nagtsitsikahan. Si Marian, natutulog na lang daw at si Mark naman, tsika nang tsika sa mga staff at crew.
Siyanga pala, bongga na pala ngayon ang Yes Pinoy Foundation ni Dingdong.
Kahapon lang, in-award sa Yes Pinoy Foundation ang scholarship ng Polytechnic State University sa Laguna para ipamigay sa kanilang beneficiaries.
Ibig sabihin, maraming mga anak ng mga sundalo ang papaaralin ng foundation ni Dingdong.
Malaki nga ang pasasalamat ng aktor sa lahat na mga tumutulong dito sa foundation niya.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis