Marian Rivera, pakitang-tao lang ang kawang-gawa?!

Marian-RiveraMARIAN SOMETHING seems to really love publicity.

She reportedly asked the regional head of the province she visited recently para i-cover daw ang pagbibigay niya ng relief goods kasama si Dingdong Dantes.

True ba ito, Marianing?

Marian-RiveraA friend asked kung tama ba na magkaroon ng publicity ang mga artista kapag sila ay tumutulong?

I told him, ‘you go and ask Marianita and Kris Aquino, mga uhaw sa good publicity at post nang post ng photos nila kapag tumutulong sila’.

Kasi, when somebody publicizes his good deeds and charitable work, it defies the very purpose of their deeds. Parang lumalabas na PAKITANG-TAO lang ang kanilang kawang-gawa.

PARANG BATANG nagsumbong itong si Butch Racquel na outgoing PR consultant ng Siyete.

Marami ang nagparating sa amin na he talked to some people at isinumbong ang pananaray namin sa GMA people when we wrote na muntik na naming ibato ang ham sa kanila during their CHEAP Christmas party for the press.

Para ano ang pagsusumbong mo, Butch? Kung may issue ka sa amin ay kami ang iyong harapin at hindi ‘yung kung sinu-sino ang pinagsusumbungan mo. Hindi kami natatakot sa ‘yo, ‘no!

GMA-7, IT seems, is practicing DISCRIMINATION.

May second batch ang Christmas party for the press last Monday and aside from the now controversial HAM na kanilang ipinamigay ay may pakimkim sila sa mga dumalo.

Isn’t that the HEIGHT OF DISCRIMINATORY ACT?

Naku, ayaw ni Nelson Mandela ng ganyan. Ayaw na ayaw niya ng any form of DISCRIMINATION!

ACTUALLY, HINDI rin naman nalalayo ang ABS-CBN na merong tinitingnan at merong tinitigan.

A few weeks ago ay nag-text blast ang PR nilang si Aaron Domingo and the lengthy explanation ay walang Christmas party for the press ang Dos dahil ibinigay sa Yolanda victims ang pondo. Pero meron naman daw gift ang network sa press.

Last Wednesday ay nag-text blast uli si Aaron sa press para sabihing ready for pick-up na ang kanilang gift. Excitedly, our colleagues dropped by para kunin ang cash gifts nila.

Pero tila hindi nagustuhan ng Dos ang pananaray namin sa kanila kaya hindi kami kasama sa itinext blast ni Aaron.

Bakit, Aaron, kawalan ba namin ‘yan? Will that impoverish us?

Hindi, ‘no! Nabuhay kaming wala kayo, kaya hindi kami mamamatay na wala kayo. To put it bluntly, you need the press more than the press need you!

Sinisiraan mo nga si Eric John Salut sa amin nang ibigay mo ang pa-birthday ng Corporate Communication last February, ‘no, kaya magtigil ka. Baka gusto mong dito ko pasabugin ang mga sinabi mo tungkol kay Eric John, ‘no! Baka maduwag ka at ‘di mo mapanindigan ang mga sinasabi mo nang patalikod kay Eric John.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleRichard Yap, hindi kailangang mangharbat sa mga fans
Next articleGretchen Barretto, gustong ipa-rehab si Claudine Barretto

No posts to display