OLA CHIKKA na naman tayo to the maximun authority of chikka!
Medyo nakaligtaan ko nang isulat ang nag-iisang Queen Of All The Stars. Ayaw ni Willie Fernandez ng ganyan at ni Jojo Lim. Kasi napag-alaman kong totoong may indie film si Gov. Vilma Santos. At ang iba, ngayon lang nakatikim ng indie film na kung hindi si Ate Vi ang bida sa Extra, never daw siyang lalabas sa nasabing pelikula. Kahit libre pa raw ang kanyang labas, basta si Ate Vi, payag ang tinaguriang Primetime Queen ng Siyete. Kasi nga, p’wedeng sabihing nag-ekstra si Marian Rivera sa movie ni Ate Vi.
Kaya nga raw nu’ng nakarating ito sa producer ng pelikula at mismong kay Gov. Vilma na napapayag si Marian na lumabas sa nasabing pelikula, tuwang-tuwa raw sila at enrty pa ito sa Cinemalaya filmfest. At ito ang first indie film ni Marian, na talagang ekstra lang siya rito. Noon pa raw gustong makatikim ng indie film si Marian, kaya lang wala namang nag-o-offer sa kanya. Kasi marami ang nagsasabi na ayaw raw ni Marian na gumawa ng indie, kasi walang kita rito.
Pati si Papa Piolo Pascual, napapayag din na gumanap ng cameo role. Sabi nga raw ni Piolo, sino ba naman ang tatanggi sa Star For All Seasons? Parang tumanggi ka sa isang sakong bigas. At ang pangatlo, itong si Richard Yap na kahit papaano, gumagawa na rin ng pangalan kasi click ang tambalan nila ni Jodi Sta. Maria.
Say n’yo? Nega na naman ang dating nito sa iba kasi ‘pag pumatok ito, sasabihin kasi, nand’yan si Marian at Piolo.
Huling hirit, si Marian pala at Ate Vi, may pagkakahawig sa kanilang career, kasi parehas sila naging Darna at Dyesebel. Say mo? At sa March 29, magiging abala na itong si Gov. Vilma sa pangangampanya sa Batangas bilang gobernador.
SPEAKING OF governor, kaloka as in, gusto nang mapikon ni P-Noy. Kasi parang niloloko na siya ng governor ng Laguna na si ER Ejercito. Kasi dalawang beses na siyang parang ayaw makita ng governor. Una nu’ng nagpatawag siya ng meeting tungkol sa problema ng pagbaha sa Laguna. Kasi bukod-tangi lang itong ER ang parang ayaw makita si P-Noy. Kasi nga naman, halos patapos na ang meeting nu’ng dumating siya at pasakay na siya ng helicopter.
At ang nakakaloka umano, binaliktad ni Gov. ang napagkasunduan nila, dahil aniya hanggang ngayon kahit wala nang ulan at bagyo, hindi pa rin maresolbahan ang baha sa Laguna. Tanong nga raw ni P-Noy, anong klaseng tao ‘yan?
Kasi ayon nga sa cause-oriented groups at civil societies na nakikiisa at naniniwala sa mga programa ng pangulo kontra corruption at para sa tuwid na daan, iginigiit pa rin ni Gov. ang dregding ng Laguna Lake na gagastos ng bilyun-bilyong piso na hindi naman makatutulong para maresolba ang pagbaha, kaya hindi inaprubahan ng national government. Kaya nga dahil dito, hindi pa rin masolusyonan ang pagbaha sa Laguna na tumatagal nang halos ng limang buwan.
Pangalawa nu’ng magtungo sila nu’ng Peb. 14 sa San Pablo City, Laguna, kasama ang mga senador ng Team Pnoy. Hindi maan lang nagpasabi o hindi man lang nagparamdam ang pinakamataas na opisyal ng Laguna na hindi siya makararating. Hanggang sa natapos ang rally, walang Gov. na dumating. Talagang pulitika, kasi nga naman kalaban o kontra partido. Pero ang kailangan ng pangulo, ang respeto. Naniniwala kasi siya na ang respect is earn.
Hindi lang naman daw ang pangulo ang matagal na pinaghintay ng Gov. Maging ang mga mag-aaral na iskolar ng lalawigan, pinapunta sila ng ala-una ng hapon, take note, pinaghintay sila hanggang alas-dos ng madaling-araw sa opisina ni Gov. Kahit nga raw ang mga senior citizen ng nasabing lalawigan, madalas paghintayin nito.
Pero ako, nakaranas na minsan nu’ng nagpatawag siya ng presscon sa mga movie press. Alas-sais ng hapon ang presscon, take note umuwi na halos ang mga katabi kong sina Ethel Ramos, Ronald Constantino at iba pa. Kasi 11:30pm na dumating at ang nagpatawag ng presscon ay umeskapo na rin kasi may program pa siya sa radio.
Kaya’ pag nagpapatawag ng presscon, may representative na lang ako. Kasi hindi na ako puwedeng maghintay nang napakatagal dahil may sakit na ako.
So hindi lang po si president ang nakaranas ng ganito kung hindi ako rin. Sana baguhin na ni Gov. ang ganitong attitude kung gusto pa niyang pagkatiwalaan siya ng mga taga-Laguna, ‘di ba?
Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding