HINDI LANG SI Akihiro Sato ang may nude photo na kumakalat ngayon sa internet. Maging ang kapwa niya Brapanese model na si Daniel Matsunaga ay mayroon ding hubad na larawan na ngayon ay kumakalat na rin sa cyberspace.
Nakahubad si Daniel sa dalawang photo. ‘Yung isa ay nakatalikod siyang hubo’t hubad habang ang isa namang kuha ay nakaharap siya at tinatakpan niya ang kanyang nota ng kanyang kamay. Kitang-kita sa photo na may consent ni Daniel ang kuha dahil nakangiti pa siya sa photo.
At ang isa namang photo ay kasama niya ang Singaporean photographer na si Leslie Kee. Nude pa rin si Daniel sa shot at tinakpan lamang niya ng kanyang kamay ang kanyang kanotahan.
Kasama raw ang mga kuhang ito ni Daniel sa libro ni Leslie na “Superstars” na siyang libro ng pamosong photographer. Ang nakalap pa naming balita, sixteen lang daw si Daniel nang magpakuha siya ng nude para sa naturang photographer. At noong 2006 daw iyon kinunan. Actually, for a cause ang paglabas ni Daniel sa “Superstars” ni Leslie. Ang kinita raw ng libro ay napunta sa mga nasalanta ng kalamidad.
True kaya na underage pa si Daniel nang kunan siyang hubo’t hubad?
Anyway, kinuha namin ang panig ng manager ni Daniel through their PR man na si Doc Gamboa, pero hindi sila nagbigay ng official statement. Ayaw nilang patulan ang paglabas ng hubad na larawan ni Daniel sa internet.
NAPANOOD NAMIN SA YouTube ang isang interview ni Marian Rivera kung saan nagkamali siya sa kanyang pagsasalita.
“Isa po akong Psychology at nakikita kong wala naman siyang diperensiya kaya sa kanya pa rin ako kahit na ano ang sabihin nila.”
Iyan ang walang kabakel-bakel na sabi ni Marian Rivera sa interview niya. Sa halip na psychologist ay psychology ang nasabi niya.
Siyempre, nagpiyesta na naman ang detractors ni Marian dahil sa kanyang pagkakamali.
SUPER-REACT ANG isang Rodel Fernando ng PMPC sa nasulat namin noong Monday na na-amuse si Lorna Tolentino nang makita niyang P2,700 ang cash prize niya matapos siyang magwagi bilang Female Star of the Night sa Star Awards For Movies kamakailan.
Sabi niya sa text niya sa amin, pinapakorek ni Lorna ang aming sinulat dahil masaya na siya roon sa trophy pa lang. Unfair daw sa part ng PMPC ‘yun at nakakahiya raw sa PMPC at wala rin daw in-announce na cash prize na P10,000.
Unang-una, wala akong sinabing may in-announce na P10K ang cash prize. Pangalawa, hindi ako nanghula, Rodel. May nagtsika sa akin ng reaction ni LT at iyon ang aking sinulat.
At sino ka para tawagin ako na walang kredibilidad. Saang prestigious newspaper ka ba nagsusulat para ipamukha sa akin na wala akong kredibilidad? For your information, Rodel, I’ve come full circle as a writer. Nakapagsulat na ako sa broadsheet, magazine, tabloid at online newspaper. At naging tabloid editor na rin ako, not once but twice. Kung wala akong kredibilidad, bakit ako pagtitiyagaan ng publications na sinusulatan ko?
Bago mo ako sabihang walang credibility, tumingin ka muna sa PMPC. Hindi ba’t kaya kayo nagkaroon ng break-away group ay dahil sa kuwestiyonableng kredibilidad ng inyong grupo matapos ang isang Star Awards night presentation ninyo? Kung may kredibilidad ang PMPC, bakit halos nangalahati ang members ninyo at nilayasan kayo?
Excuse me, pero ako, I am not a member of any organization na kapag Christmas ay nangangaroling para magkaroon ng pera ang members nito with matching solicitation pa sa mga artista at networks. Ang paniniwala ko kasi, ang pangangaroling ay dignified begging. Hindi rin ako ang tipo ng reporter na nagga-GAKA sa presscon. Wala rin akong pini-PR. I am not beholden to anybody.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas