SUPER DEFENSIVE si Marian Rivera when TV host Jessica Soho brought up the issue of her mangling of the English language.
“Hindi ko alam kung paano ko bubuksan ‘yung mga pag-iisip ng ibang tao. Kapag hindi ka magaling mag-English, kahit nakatapos ka ng college mo, kahit mabait kang tao, kahit mapagmahal ka sa pamilya mo, kahit matulungin ka sa kapwa mo, feeling nila bobo ka,” came Marian’s aria.
“Pero ‘pag matalino ka, kahit ipokrita ka, kahit sinungaling ka o ano mang definition nila, bakit ang tingin ng tao, maayos pa rin, basta nakakapag-Ingles ang isang tao?” dagdag pa niya.
Nakatapos si Marian ng Psychology sa De La Salle University-Dasmariñas, pero sa isang simpleng tanong ay sumablay siya when she defended then-running for the presidency Noynoy Aquino and said, “Isa po akong psychology at nakikita ko na wala naman siyang (Aquino) diperensya.”
Actually, parang ipinahiya ni Jessica si Marian. Imagine, tinanong niya ang issue about Marian’s not being proficient in English sa mismong school na kanyang pinagtapusan, anong klaseng pagtatanong ‘yan? Ano ba ang gustong palabasin ni Jessica, na kahit na graduate ka ng private school ay puwede pa ring mahina ka sa English? With what she asked Marian, parang ipinahiya niya ang aktres.
Parang hindi nag-iisip itong si Jessica. Parang binastos niya si Marian when the episode should be a tribute to Marian and Dingdong Dantes.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas