SA MGA salita ni Marian Rivera, mukhang love na love niya ang boyfriend na si Dingdong Dantes.
Sa mga TV guestings niya to promote her movie Kung Fu Divas with the Comedy Queen Ai-Ai delas Alas, hindi maiwasan na itanong sa kanya si Dingdong.
Paniwala kasi ni Marian,kapag pumapasok siya sa isang relasyon, dapat 100% ang pagmamahal mo sa kapareha mo para masabing mahal mo siya.
Kaya naman very positive ang aura niya ngayon dahil she don’t mind sa mga kaliwa’t kanang mga intriga at tsismis sa showbiz for as long as may mahal siya at may nagmamahal sa kanya ay ayos na ‘yun kay Yan-Yan (palaway ni Marian).
“Hindi kasi fair sa kapareha mo kung hindi mo ibibigay ang 100% na pagmamahal na yan,” kuwento niya.
No wonder, dahil sa pagmamahal niyang ito kay Dindgong, nasusuklian naman ng 100% loyalty at honesty ng katipan.
Sa nakaraang birthday ng boyfriend, niregaluhan niya ito ng isang expensive watch at isang bakasyon grande naman sa Bali, Indonesia ang regalo sa kanya ni Dong noong birthday niya na halos magkasabagay sila last August.
Kung sinasabing may pagka-nega (negative) si Marian based sa mga kuwento laban sa kanya, pinatunayan naman ng mga co-stars niya like Ai-Ai and Roderick Paulate na misunderstood lang siya para sabihin na maldita ito.
“Siyempre not all the time in the good mood ka. Siyempre tao ka lang na pagod or puyat galing sa work na may pagkakataon na ayaw mong ngumiti or magpakuha ng litrato with the fans na siyempre mami-misinterpret nila ‘yun at bibigyan ng ibang kahulugan.
“Sana naiintindihan din ng mga tao na tao lang kaming mga artista,” depensa ni Ai-Ai kay Marian.
Maging si Kuya Dick na ganu’n din ang depensa para kay Yan Yan. “Super bait niya. Kaya ‘yong tsismis na maldita siya, I can attest to that. Mali ang tsismis at pang-iintriga sa kanya.”
Sa halos one week naming panonood ng show ni Kris Aquino sa Kapamilya Network, halos nasundan namin si Marian sa guesting niya at kahit papaano ay nakilala namin kung sino at ano siya sa mga tsikahan nila ni Tetay together with Ai-Ai.
ALIW ANG pelikula na ang batang bida ay tumalo kay Nora Aunor bilang Best Actress sa kanyang performance sa Ang Huling Cha-Cha ni Anita sa Cine Filipino Film Festival na naganap ang awarding last Sunday evening.
Ang galing ng bagets na ang pangalan ay Teri Malvar, edad 13, na isang baguhan sa larangan ng pag-arte. Fresh kasi ang acting ng bagets na kita mo na walang ka-effort-effort ang ginawang pagganap para talunin ang isang establisadong artista tulad ni Nora.
Ang pelikula na tumatalakay sa unang pag-ibig ng isang batang lesbian (si Anita) sa mas matanda sa kanya played by Angel Aquino, who also won as Best Supporting Actress, ay isang hakbang para sa pagpapamulat sa mundo tungkol sa pag-ibig at mundo ng mga gay woman.
Kudos to the production staff lalo na sa creative team (writer and director) para ilahad sa konserbatibong mundo para maintindihan ang mundo at pag-ibig na hindi nakasanayan ng marami.
Tanggap ni Nora ang pagkatalo sa isang trese anyos na baguhan sa kategoryang Best Actress. “Lagi kong sinasabi, pagka ganitong awards night, hindi naman ako talagang umaasa.”
At least sports si Guy at walang reklamo sa pagkatalo over a newcomer like Teri Malvar.
Reyted K
By RK VillaCorta